GMA Logo Mark Bautista
Image Source: iammarkbautista (Instagram)
Celebrity Life

Mark Bautista sumali sa banda noong high school para kumita ng pera

By Jansen Ramos
Published February 12, 2024 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu welcomes Christmas Day peacefully
Britain’s King Charles lauds unity in diversity in his Christmas message
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Bautista


Bago pa sumali sa singing competition sa TV noong 2002, kumakanta-kanta na si Mark Bautista sa banda at lounge bars.

Marami nang pinagdaanan si Mark Bautista bago pa man marating ang kinalalagyan niya ngayon bilang isa sa mga pinakasikat na balladeer sa bansa.

Anim na taong gulang pa lang, kumakanta na si Mark. Naging entry point niya sa pagpe-perform ang pagbabanda noong high school na naging source of income niya noon, kuwento niya sa panayam sa kanya ni Pia Arcangel sa podcast nitong Surprise Guest with Pia Arcangel noong February 9.

Bahagi ng binansagang "Pop Heartthrob," "Mas nagbanda na ako kasi kailangan ko na kumita, parang pagkakitaan yung pagkanta ko, and at the same time para wala rin akong magawa that time kasi high school lang ako, ano pa ba ang pwedeng gawin 'yung parang wala naman, hindi pa uso talaga 'yung internet na alam mo 'yun. Wala pang ganun, so talagang maghahanap ka ng ibang way para mag enjoy and at the same time kumita rin. So 'yun nagbanda ako, nag-lounge singer, mga bars din, umikot-ikot. 'Yan 'yun 'yung first na mga works ko, mga jobs."

Bata pa lang, mahilig na si Mark kumanta. Pero, aniya, hindi niya nakita ang kanyang sarili na maging singer noong una.

"I don't know kung matatawag na dream 'yun pero nagre-record ako sa mga, 'di ba may multiplex and minus one ganiyan-ganiyan, ta's 'yung karaoke system mayroong record and play lang mga ganun. So nagre-record-record ako ng mga kung ano-anong songs, and then naglalagay ako ng pictures sa album ta's dinidikit ko, kunwari may album ako, so parang siguro, parang naging gusto ko ini-envision ko ang sarili ko na parang magkaroon ng, hindi ko nga na-imagine na 'yun pala 'yung manifestation na tinatawag kasi talagang dinidikit ko 'yung picture ko sa mga cover na 'yung black cover ng multiplex, ta's nilalagyan ko ng pangalan, kunwari may album ako."

Noong nag-college si Mark, na tubong Cagayan De Oro, doon siya nagpasyang lumabas ng kanilang probinsya para sumubok ng ibang bagay.

"Sa CDO lahat nag-start ako. Actually, nag-start lang akong parang lumabas sa CDO no'ng na-realize ko na no'ng I think 20 ako. Sabi ko, shocks parang feeling ko tumatanda na ako nung 20s. Sabi ko, 'shocks parang dapat may mangyari kasi lagi na lang ako dito.' Kumakanta ganyan-ganyan, parang na-realize ko dapat may next naman na parang level up naman or something ganun kasi parang siguro nun na-bore na ako sa puro ganun na lifestyle, 'yung nasa banda ka lang every night, every weekend kumakanta ka. Tapos 'yun lang 'yun routine mo every the whole year or something, so na-bore ako siguro kaya na-realize ko na parang and timing na may singing competition that time."

Naging stepping stone niya sa entertainment industry ang sinalihang TV singing contest na Star For A Night noong 2002 kung saan siya itinanghal na third runner-up.

Ayon kay Mark, isa sa mga dahilan kung bakit siya sumali sa kompetisyon ay dahil ang iniidolong niyang si Regine Velasquez ang host nito.

"May friend ako na nag-convince sa akin na sumali, naconvince ako dahil si regine velasquez yung host, sabi ko ay legit to na competition, 'yung parang talagang ano to, kasi si regine ang host, so na-convince ako na sumali, and then kasama na doon 'yung parang gusto ko na lumabas sa CDO dahil 20 na ako, matanda na ako para may bagong routine or bagong i-try na mga bagay bagay. And ayun sumali ako sa singing contest na Star For A Night."

Pakinggan ang kabuuang panayam dito.

NARITO ANG IBA PANG OPM SINGERS NA PRODUKTO NG MGA TV SINGING COMPETITION.