GMA Logo jaycee parker gives birth to twin girls
Celebrity Life

Jaycee Parker, emosyonal nang magsilang ng kambal na babae

By Jansen Ramos
Published March 20, 2024 12:49 PM PHT
Updated March 20, 2024 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy, 12, killed in firecracker blast in Tondo, Manila on Sunday night
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

jaycee parker gives birth to twin girls


Ipinanganak ng ex-Viva Hot Babe na si Jaycee Parker ang kambal na sina Celeste at Celina via cesarean section noong March 16, 2024.

Naiyak sa tuwa ang dating Viva Hot Babe na si Jaycee Parker matapos magsilang ng kambal na babae.

Ipinanganak niya ang kambal nilang anak ng asawang si Jericho Aguas na sina Celeste at Celina noong Sabado, March 16, sa Sacred Heart Medical Center sa Angeles City, Pampanga.

Isinilang ni Jaycee sina Celeste at Celina via cesarean section at may bigat na 5.15 lbs at 3.15 lbs.

Sa heartwarming birthing story video na in-upload ni Jericho sa Instagram, mapapanood na emosyonal si Jaycee matapos isilang ang ipinagbubuntis niyang kambal, na unang pares niyang anak sa Angeles City councilor.

Tinawag ni Jericho ang kanilang kambal na "double dragon."

Ikinasal sina Jaycee and Jericho sa King's Royale Promenade sa Bacolor, Pampanga noong August 19, 2018.

Dating asawa ni Jericho ang yumaong aktres na si Isabel Granada kung saan meron siyang anak na lalaki na si Hubert Thomas, 20.