IN PHOTOS: Celebrities who left the limelight to live abroad

Marami na rin ang mga artistang mas piniling iwan ang kanilang buhay showbiz sa Pilipinas at magbagong buhay abroad.
Naging maganda man ang takbo ng kanilang karera sa Pilipinas, may ilang mga artista pa rin ang mas hangad na makipagsapalaran sa ibang bansa at pansamantalang iwan muna ang Pilipinas.
Mula sa pagkakaroon ng regular na trabaho o upang makapiling ang kanilang pamilya, may iba't ibang dahilan ang mga artista sa pagpiling mamuhay sa ibang bansa.
Ngunit kahit malayo man sila, dala-dala pa rin nilang lahat ang pagiging Pilipino saan man sila makarating.
Hindi pa rin nila nakakalimutan ang kanilang pinanggalingang bansa at ang kanilang naging buhay sa industriya ng showbiz.
Nasa puso pa rin sila ng kanilang mga tagahanga na hangad ang kanilang kaligayahan sa bagong yugto ng kanilang mga buhay.
Heto ang ilang celebrities na nakahanap ng panibagong simula sa ibang bansa.


















































