GMA Logo jillian ward and abdul raman
Celebrity Life

Jillian Ward, first customer ni Abdul Raman sa kanyang business

By EJ Chua
Published April 8, 2024 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Sleat, Gojo Cruz save best for last as Perpetual beats Benilde in battle for third
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward and abdul raman


May business na ang Kapuso star na si Abdul Raman!

Bukod sa pag-arte, abala na rin ang Sparkle actor na si Abdul Raman sa pagnenegosyo.

Kamakailan lang, ipinakilala ni Abdul sa publiko at kanyang fans ang kanyang food business.

Ito ay tinawag niyang “Homemade Sweets by Abdul Raman.”

Sa kanyang Facebook account, makikita ang ilan sa kanyang posts tungkol sa kanyang business.

Ilan sa kanyang binebenta ay brownies, cookies, at iba pa na siya mismo ang nag-bake.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Abdul ang kasiyahan na kanyang naramdaman nang umorder sa kanya ang Abot-Kamay Na Pangarap lead star na si Jillian Ward.

Ayon pa sa aktor na ngayon ay isa na ring entrepreneur, si Jillian ang kanyang pinakaunang customer.

Sulat niya sa caption ng kanyang social media post, "Thank you Jillian Ward, ikaw first customer ko hehe."

Samantala, bukod kay Abdul, ilang celebrities din ang mayroong sari-sarili nilang negosyo.

Kabilang na rito ang former Unbreak My Heart actress na si Gabbi Garcia, Widows' War actress na si Bea Alonzo, at marami pang iba. Tingnan dito: