
Pare-parehong buntis ngayon ang showbiz besties na sina Yasmien Kurdi, Dianne Medina, at Charee Pineda.
"Team Aircon" kung tawagin nila ang kanilang barkadahan kung saan parte rin ang kani-kanilang mga asawa na sina Rey Soldevilla, Jr., Rodjun Cruz, at Martell Soledad.
Sa Instagram post ni Yasmien noong April 1, ipinakita niya at ng kapwa niya buntis na kaibigan na sina Dianne at Charee ang kanilang baby bump habang sumasayaw kasama ang kanilang mga mister.
Biro tuloy ni Yasmien, "Napag-planuhan … napag-usapan. Para masaya ang byahe ng barakada! Lahat makaka-relate sa destination."
Sa caption, tinawag pa niyang "Baby Aircons" ang kanilang "dragon babies."
Buntis si Yasmien sa ikalawa niyang anak. First week ng Mayo ang nakatakda niyang due date. Isinilang niya ang kanilang panganay ni Rey na si Ayesha Zara noong November 2012.
Second baby din nina Dianne at Rodjun ang ipinagbubuntis ng TV host. Noong Easter Sunday, March 31, inanunsyo ni Dianne ang kanyang pregnancy. Tatlong taong gulang na ang panganay nilang si Joaquin.
Ipinagbubuntis din ni Charee ang ikalawang anak nila ng mister niyang si Martell, barangay chairperson ng Karuhatan, Valenzuela. Tatlong taon na rin ang firstborn nilang si Cesco.
NARITO ANG IBA PANG BFFS SA SHOWBIZ: