GMA Logo Anjo Pertierra
Celebrity Life

Anjo Pertierra, ikinuwento ang experience sa paggawa ng documentaries

By Kristian Eric Javier
Published April 12, 2024 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Anjo Pertierra


Alamin ang mga natutunan ni Anjo Pertierra tungkol sa pagiging isang documentarist.

Dream come true para kay Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras. Pag-amin ng aktor, bata pa lang ay “low-key” fan na siya ng documentaries kaya minsan niyang pinangarap gumawa nito.

Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, sinabi ni Anjo na highschool pa lang fan na siya ng documentaries at isa sa mga unang hinangaan at sobrang nagustuhan niya ay ang “Pagpag” episode ng iWitness.

“Sobrang eye opener, kaya simula nung napanood ko po 'yun, nanonood lang ako ever since. Until now, mas lalo kapag iWitness, Reporters Notebook, Brigada, halos lahat po 'yan pinapanood ko,” sabi niya.

Ngayon na hindi na lang siya nanonood ng documentaries at sa halip ay gumagawa na rin, masasabi umano ni Anjo na iba ang first-hand experience sa hirap ng buhay ng mga tao.

“Akala mo ang hirap na ng buhay mo, na-stress ka sa mga simpleng bagay, pero kapag na-experience mo na ang pinagdadaanan ng ibang kababayan natin, walang-wala sa kung ano man ang na-e-experience natin,” sabi niya.

Kaya naman masaya umano si Anjo sa paggawa ng documentaries at para sa kaniya ay fulfilled siya rito.

“'Yun na ang naging fulfillment ko e, na maihatid po sa lahat sa sambayanang Pilipino 'yung mga hardships na pinagdadaanan ng mga kababayan natin,” aniya.

BALIKAN ANG PAG-HOST NOON NI DINGDONG DANTES NG ISANG DOCUMENTARY SERIES SA GALLERY NA ITO:

Samantala, kinuwento rin ni Anjo na ang pinaka-intense na istoryang ginawa niyang documentary sa 24 Oras ay tungkol sa climate change. Sa episode ay nagpunta umano si Anjo sa Tondo, Manila, kung saan maraming basura, mainit, dikit-dikit ang mga bahay.

Ayon pa kay Anjo ay base sa mga interview niya, ilan sa mga residente ay nagkaka-pneumonia na dahil sa sangsang ng amoy sa naturang lugar.

Ngunit ang pinakanakakaantig na kuwento para kay Anjo ay ang hiling ng mga batang na-interview niya. Nang tinanong niya ang dalawang bata kung ano ang gusto nila sa kanilang kaarawan, ang sagot ng isa, “adobo lang.” Samantala, ang isa naman, “Masayang pamilya lang po.”

“Imagine Ms. P, 'yung kinabubuhayan nila kung saan sila nakatira, pwede silang humingi ng ano e, maayos na buhay, pwede silang humingi ng materyal na bagay. Pero 'yun nga, at his very young age, ang hiling ng bata, masayang pamilya lang,” sabi niya.

Sabi pa niya, “Nakakaantig sobra, kaya parang simula nun, sobrang excited ako every time na gagawa ako ng story for Brigada.”

Inamin din ni Anjo na naging challenge para sa kaniya noong nag-uumpisa pa lang paghiwalayin ang emosyon mula sa istorya. Kuwento niya, sa isang storyang ginawa niya noon para sa documentary ay naging masyado siyang personal sa pagtatanong sa interview.

“When I was asking questions, sobrang curious ko, as in lahat ng pwede kong itanong naitanong ko na feeling ko it was too personal,” sabi niya.

So it's hard seeing the interview you cry, na parang 'Bakit kasi kailangan tanungin ko pa 'yun?' Doon na pumasok yung emotions ko na give me more, say more, parang masyado naging pushy that time,” pagpapatuloy ni Anjo.

Inamin din ni Anjo na nagkaroon siya ng regrets noon sa interview na 'yun dahil naging masyadong personal na ang kaniyang mga tanong. Pero ngayon, sinabi niyang natutunan na niyang i-filter ang mga tanong niya para maiwasan ang personal questions.

“Natutunan ko na i-filter 'yung questions na kung personal ba, kung maaapakan ko ba 'yung emotions that time, kailangan ko kasi i-protect 'yun e. Kailangan i-protect 'yung interviewees natin whenever we are asking questions na kailangan may limit tayo,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Anjo rito: