
Gumanap man siya bilang Mimi Kho o Azon, hindi talaga matatawaran ang husay ng seasoned actress na si Nova Villa sa pag-arte.
Kaya naman para gawing extra special ang birthday niya, sinorpresa siya ng ilan sa former cast mates niya sa sitcom na Home Along Da Riles.
Ipinasilip ni Maybelyn dela Cruz, na gumanap na anak ni Nova sa naturang show, ang masayang party.
Sa Instagram reel ni Maybelyn, makikitang asama rin nila sina Smokey Manaloto, Dang Cruz, Boy 2 Quizon, at Vandolph Quizon.
Sabi ng actress-politician sa caption ng video, “To our second mom, Happy birthday, Mommy Azon @nova.gallegos.5! Mahal ka po namin!!!”
Napapanood naman ngayon si Miss Nova Villa sa award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento bilang kapitbahay nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes).
Ginagampanan naman ni Jen Rosendahl ang role bilang Berta, ang robotic at matapang na kasambahay ni Mimi Kho.
RELATED CONTENT: SEASONED ACTORS AND THEIR VINTAGE PHOTOS