GMA Logo angelica panganiban and glaiza de castro
Celebrity Life

Glaiza De Castro's speech at Angelica Panganiban's wedding moves netizens to tears

By Jansen Ramos
Published April 24, 2024 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

angelica panganiban and glaiza de castro


Naantig ang netizens sa speech ni Glaiza De Castro para sa kaibigan niyang si Angelica Panganiban sa araw ng kasal nito noong April 20.

Emosyonal si Glaiza De Castro para sa kaibigang si Angelica Panganiban sa second wedding nito kay Gregg Homan na ginanap sa Siargao noong April 20.

Si Glaiza ay nagsilbing matron of honor ng bride na mahigit 20 taon na niyang kaibigan. Nagkakilala ang dalawa nang magkatrabaho sila sa youth-oriented show na Berks, na ipinalabas mula 2002 hanggang 2004 sa ABS-CBN.

Sa araw ng kasal ni Angelica, nagbigay ng heartwarming speech si Glaiza para sa kanyang long-time friend. Nakunan ito ng aktres na si Alora Sasam at in-upload sa kanyang Facebook page.

"Sa dinami-dami ng pwede mong kaibiganin, pinili mong ituloy yung ka-weird-uhang sinimulan natin," panimula ni Glaiza sa video.

"Pero bakit ko nga ba siya naging kaibigan? Dahil siya yung tumawa at nag-react sa adlib ko pero, sa totoo lang, 'di naman talaga siya nakakatawa pero 'di ko rin in-expect na may makaka-gets sa ka-weird-uhan ko."

Pag-amin ni Glaiza, isa ring magaling na composer si Angge na idinadaan sa sulat ang kanyang feelings sa tuwing nasasawi sa pag-ibig.

Dugtong niya, "Kilala si Angelica Panganiban hindi lang bilang isang mahusay na child star, patron saint ng mga beki, mahusay po siyang aktres, 'di ba po? Best actress ang daming awards, ganyan. Pero lagi siyang sawi sa pag-ibig. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa rin siyang mahusay na composer. Actually, may pagka-Taylor Swift po yung lola n'yo sa totoo lang kasi 'yung mga pinagdadaanan niya like sa love, sinusulat n'ya po, ginagawa niya pong poem, lyrics."

Malalim na nga ang pinagsamahan nina Glaiza at Angelica kaya kilalang kilala na ng Kapuso actress ang Kapamilya star.

"Do'n ko rin na-witness kung paano siya magmahal. 'Di ko pa naiintindihan kung paano niya 'yun nagagawa pero napakalaki ng kaha niya pagdating sa pagbibigay na tipong wala nang natitira sa kanya."

Maraming bad experience na pagdating sa pag-ibig si Angelica pero naging lesson daw ito para sa kanya, ayon kay Glaiza.

"Dumating sa point na nasaksihan ko 'yung realization niya na panahon naman para mahalin naman niya 'yung sarili niya pero 'di siya madaling proseso kasi iba-iba 'yung paraan niya para ma-achieve 'yon..."

Sabi pa ni Glaiza, "Pero may mga panahong sasampalin na naman siya ng kalungkutan at kasawian at babalik siya bilang si Angge at sa mga pagkakataong nangyayari 'yon, 'di ko alam kung paano siya iko-comfort kaya inaya ko na lang siya isang araw para mag-paragliding."

Nagpasalamat din si Glaiza sa ilang taong pinagsamahan nila ni Angelica na itinuturing niyang isa sa matatalik niyang kaibigan sa showbiz.

"Gusto ko lang sabihin na salamat. Sa dinami-dami mong pwedeng kaibiganin, pinili mong ituloy yung ka-weird-uhang sinimulan natin.

"At dahil sa 'yo natutunan kong tanggapin at yakapin ang sarili ko, buksan ang isip ko sa magulo at masayang mundo, to step out of my comfort zone, na ayos lang masaktan kasi sa bawat sakit, may saya na kapalit pero babalik ulit sa ayos kahit na nasaktan ka at okay lang 'yon. Ang mahalaga may mga taong nakapaligid sa 'yo para kahit paano, gumaan 'yung bigat."

Sa puntong ito, nagpahayag si Glaiza ng mensahe ng kasiyahan kay Angelica dahil may makakasama na ito nang pangmatagalan.

"At sobrang saya ko na may taong habambuhay kang makakasama para pagaanin kung ano man ang ibato sa 'yo ng mundo. Mahirap pero exciting.

"Hanggang ngayon na-a-amaze pa rin ako 'pag naiisip ko 'yung time na inakyat natin yung Tiger's Nest sa Bhutan at hiniling mo kay Lord 'yung happiness kung paano Niya inayos at ibinigay Niya sa 'yo sa timing at will Niya.

"At no'ng pinakilala mo sa 'kin si Gregg, nakita ko na 'di rin talaga nagkamali si Lord sa naging timing at desisyon niya."

Nagbigay din ng mensahe si Glaiza sa mister ni Angelica na si Gregg.

Ani Glaiza, "Gregg, 'di ako magbibilin pero gusto ko lang din magpasalamat. Ibang happiness 'yung ibinigay mo sa kaibigan ko, happiness na hindi showbiz. Thank you for introducing her to the other side of reality. Thank you for taking care of her."

Marami naman ang naantig sa wedding message ni Glaiza para kay Angge.

Ayon sa netizens, tunay na pagkakaibigan ang nabuo ng dalawa.