#RagsToRiches: Celebrities na mahirap noon pero successful na ngayon

Ilan lamang sila sa mga tinitingala at tinitilian na bituin at personalidad, pero bago nila natamasa ang tagumpay, dumaan sila sa ilang pagsubok sa buhay.
Bago nakilala si Jericho Rosales, naranasan ni Echo na magtinda ng isda. Hindi hiniyaan ng aktor na malugmok siya at nagsumikap para maabot ang kanyang pangarap. Ngayon, kilala na si Jericho bilang isa sa mga most in-demand na actor at commercial endorser--nagbukas ng pintuan sa kanya para makapasok sa showbiz ang pagkakapanalo niya bilang Mr. Pogi sa 'Eat Bulaga.'
Sino naman ang mag-aakala na ang dating matinee idol na si Marvin Agustin na may-ari ng chain of restaurants ay dating namasukan bilang waiter?
Hindi lamang siya nakilala bilang isang versatile actor, pero inspirasyon din siya ng marami sa pagiging wais sa pera at isa nang successful business owner.
Heto pa ang ilan sa celebrities na laki sa hirap, pero successful na ngayon.








