
Nakatanggap ng masayang pagbati ang singer-host na si Darren Espanto mula sa kanyang It's Showtime family nitong Biyernes (May 24) nang ipinagdiwang niya ang kanyang 23rd birthday.
Related gallery: Career journey of Asia's Pop Heartthrob Darren Espanto
Bukod sa pagbati, binigyan din si Darren ng birthday cake at ng malaking group hug ng It's Showtime family.
Samantala, tinanong ng actress-host na si Kim Chiu ang kanyang kaibigan kung ano ang nararamdaman nito ngayong 23 years old na siya.
“Parehas pa rin naman, ito pa rin. Pero siyempre, I'm excited to see where my life is headed towards ngayong 23 ako. Siyempre, may concert din ako sa June 1, so isa 'yun sa aabangan ko,” aniya.
Ngayong Lunes (May 27), mapapanood ang birthday production number ni Darren sa It's Showtime.
Sa Instagram, ibinahagi rin ni Darren ang kanyang birthday photoshoot at nakatanggap siya ng pagbati mula sa kanyang kapwa celebrities tulad nina Anne Curtis, Kim Chiu, Jugs Jugueta, Denise Laurel, at Julie Anne San Jose.
Huwag palampasin ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.