GMA Logo aiai delas alas
Celebrity Life

AiAi Delas Alas, isa nang COO ng beauty brand sa US

By Nherz Almo
Published May 28, 2024 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

De Lima files bill to improve free Tertiary Education Law
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


AiAi Delas Alas, sa kanyang bagong posisyon: “Baka ito ang plano ni Lord sa akin, so let it be.”

Nag-resign na si AiAi Delas Alas bilang artistic director ng isang elderly facility sa San Francisco, California.

Ito ay para mas mapagtuunan niya ng pansin ang bago niyang posisyon bilang isang chief operating officer (COO) ng MC Aesthetics International. Ito ay pagmamay-ari ng Filipino-American nurse, aesthetician, at makeup artist na si Marlou Colina.

Ibinahagi ito ni Aiai sa ilang piling entertainment media sa online interview nitong Linggo, May 26.

Ayon kay Aiai, na kasalukuyang nasa Amerika, hindi niya inakalang magiging bahagi siya ng isang beauty brand dahil hindi siya basta-basta gumagamit ng anumang beauty product dahil sa kanyang psoriasis.

Nagkaroon daw siya ng interest sa product ng MC Aesthetics nang mabigyan siya ng ilang produkto sa isang show sa Amerika.

Kuwento ni AiAi, “Nanghihinayang akong itapon. Kapag nakita mo kasi yun mga kahon, ang titigas, parang mamahalin.

“So, isang araw, tinititigan ko, 'Gamitin ko kaya ito?' Ayun, may kasamang panalanging na, 'Lord, sana naman huwag mangati ang mukha ko o huwag akong ma-allergy para naman mayroon akong gamitin dito sa Amerika.

“Sa first day, hindi siya nangati, sabi ko, 'Wow, bongga!' Sa second day, hindi na naman. Third tinanong ko si darling, si Gerald. Sabi ko, 'Darl, maganda ba yung skin ko?' Sabi niya, 'Oo. Ano ba 'yan?' Sabi ko, 'MC 'to, darling, hindi ako ina-allergy, bongga!'”

AiAi Delas Alas with MC Aesthetics owner Marlou Colina

Kasunod nito, hinikayat daw si Aiai ng grupo ni Marlou na maging bahagi ng kanilang kumpanya sa halip na maging endorser lamang.

Pag-alala ni Marlou, “Ganito ang nangyari, matagal ko na siyang kaibigan. Unang-una po, kapag kinuha mo ang isang Aiai Delas Alas, ang endorsement po niya kundi milyun-milyon hindi thousands. She is one the Philippine's biggests superstars, alam natin 'yan. Noong dumating siya sa Amerika, magkaibigan lang talaga kami. Lagi lang, 'MC, kailangan ko ng makeup.' Minsan, sinasabi ko 'Ms. Ai, may product ako.' 'Naku, huwag mo na akong ganyan, hindi ako pwede riyan.'

“'Tapos, one day na lang, siguro si Lord din talaga, tinapik talaga ang heart niya, 'Gamitin mo 'yan.' 'Tapos sabi niya, 'Uy, MC, sa lahat yata ng products, ito lang yung talagang hiyang na hiyang ako nang straight.' 'Tapos, in-encourage siya, 'Ms. A, kung mag-e-endorse ka po ng product, kaya ka po naming bayaran. Pero po, hanggang ganun lang. Pero kung gusto n'yo po, aalukin ka po naming magnegosyo kasi wala sa buong Bay Area na nagdi-distribute nito. Kasi, sayang din yung leverage ng kasikatan ninyo.' So, pinag-isipan ni Ms. Ai, 'tapos, nagustuhan din ni Sophia.”

Bukod kay AiAi, bahagi na rin ng naturang aesthetic company ang anak niyang si Sophia na tumatayo namang chief financial officer.

Tingnan ang notable mother roles ni Aiai rito:

Sa palagay ng Kapuso actress kaya siya napunta sa bagong posisyong ito ay dahil kapareho niya ang adbokasiya ng beauty brand.

Ani Aiai, “Sa totoo lang, hindi ko alam bakit nangyayari 'to. Siguro out of dasal talaga. Baka ito ang plano ni Lord sa akin, so let it be. Kasi nga, isa rin sa mga advocacy ng MC is nagpapagawa sila ng simbahan.

“I think, kaya ako nilagay dito ni Lord kasi gusto na niyang matapos ko yung Kristong Hari. Kasi, ilang taon ko na yung ano… Ngayon, sana naman matapos ko na siya.”

Samantala, patuloy din ang pagpe-perform ni AiAi sa iba't ibang shows sa America. Abala rin siya sa isa pa niyang negosyo, ang Martina's Bread & Pastries, na nagsimula dito sa Pilipinas.

Tingnan ang kanyang pink kitchen dito: