Article Inside Page
Showbiz News
May mga mukhang bagay apihin at mayroon din namang swak sa pagiging kontrabida. Para kay Barbie Forteza, tila destined na siyang apihin dahil isa siya sa may pinaka maamong mukha sa mundo ng showbiz.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
May mga mukhang bagay apihin at mayroon din namang swak sa pagiging kontrabida. Para kay Barbie Forteza, tila destined na siyang apihin dahil isa siya sa may pinaka maamong mukha sa mundo ng showbiz.
Sa magkakasunod na lead roles na ginampanan ni Barbie. marami-rami na rin ang mga character na ginampanan niyang kaawa-awa.
Kuwento nga ng co-star ni Barbie na si Jomari Yllana,
hindi niya raw gustong makita si Barbie na kontrabida dahil bagay na bagay daw ang role na inaapi sa teen actress.
Kuwento ni Barbie, nasanay na rin daw siyang inaapi sa mga eksena. Iba’t ibang pagpapahirap na rin kasi ang naranasan ng aktres sa kanyang shows. Malimit ay sampal at sabunot ang inaabot ni Barbie sa kanyang mga kontrabida.
Pero ayon sa young actress, kahit na paulit-ulit na lang siyang inaapi, kailangan niya pa rin daw magkaroon ng adjustments. “Ilang beses na rin naman akong inaapi. 'Yun nga lang siyempre kahit halos same character, kailangan magkaiba pa rin 'yung attack,” aniya.
Hindi rin daw madaling magmukhang kawawa. Kailangan daw kasi ng iba’t-ibang level ng pagiging api para maiba naman sa previous characters niya.
“Mahirap nang ibahin 'yung character kasi marami na rin akong nagawa. So mahirap ibahin from my past shows na, 'di ba? Hindi pare-parehas, na porket laging umiiyak ay 'yon na 'yon,” pahayag ni Barbie.
Saad ni Barbie, noong umpisa lang naman daw siya nahirapan sa pagbibigay ng ibang atake sa role. Naroon naman daw kasi ang kanilang director na si Mark Reyes para gabayan siya sa kanyang acting.
“Madali na lang naman ngayon kasi nariyan ang direktor namin tapos may acting coach pa. Mas madali na siyang ma-adjust,” saad niya.