GMA Logo Shaira Diaz
Sources: shairadiaz_ (IG) and gmanews (YT)
Celebrity Life

Shaira Diaz, from reel to real ang graduation pictorial

By Kristian Eric Javier
Published May 31, 2024 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Congratulations, Shaira Diaz and to all the graduates!

Emotional ang Morning Sunshine na si Shaira Diaz sa kanyang graduation pictorial kahapon, May 30. Ayon pa sa actress-TV host, tila nag-align ang universe sa manifestation niya last year.

Matatandaang naiyak ang Unang Hirit host matapos makuhanan ng graduation pictures May 30 last year sa 'Grad Pic Awrahan 101' segment ng show. At ngayong taon, ayon kay Shaira, ay kinuhanan siya ng totoong graduation pictures sa parehong petsa.

Sa post niya sa Instagram ng videos ng dalawang pictorial, sinabi ni Shaira na “from reel to real” ang kanyang graduation picture experience.

“A year ago.. From reel to real! I can't help but feel emotional during our graduation pictorial today,” sulat niya sa post.

Pagpapatuloy niya, “'Yung mga kaibigan at pamilya ko, alam nila kung gaano kahalaga sakin tong moment na to. Thank you po, Lord! sa wakas..”

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)

BALIKAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAGTAPOS DIN SA KOLEHIYO SA GALLERY NA ITO:

Sa Unang Hirit ngayong Biyernes, May 31, inamin ni Shaira na gulat na gulat siya nang malaman ang petsa ng kanyang graduation pictorial, at inaming naiyak siya dito.

“Parang in-align talaga ni universe, parang tinotoo niya na na-manifest, ni Lord. Sobrang sarap sa pakiramdam alam niyo po, in-announce pa lang 'yung date, umiyak na'ko. Tapos kahapon, wala, hindi ko talaga napigilang umiyak hanggang sa maka-uwi ako sa bahay,” sabi niya.

Nagbigay rin si Shaira ng mensahe sa mga kapwa niya graduates at sinabing ramdam niya ang nararamdaman nila ngayon.

“Aniya, “Good job and congratulations po sa ating lahat! Na-survive nanaman ng ating mga Kapuso ang isang buong taon ng pag-aaral so happy graduation po sa inyong lahat.”

“Proud na proud ako sa inyo, at proud na proud sa inyo ang UH Barkada po, pati po ako. Congrats po,” pagpapatuloy ng actress-TV host.

Nakatanggap naman ng congratulatory message si Shaira sa comments section mula sa mga fans at katrabaho, kabilang na ang Lolong so-star na si Maui Taylor at UH partner na si Kaloy Tingcungco, at co-host na si Arnold “Igan” Clavio.

“Congrats Shai,” mensahe ni Maui.

“Mabuhay ka !!!” Sabi naman ni Igan.

Mensahe naman ni Kaloy sa kanyang partner, “YOU DESERVE THE WORLD PARTNER.”

Panoorin ang mensahe ni Shaira dito: