TRIVIA: Interesting facts about actress Jo Berry

"Small but remarkable" best describes actress Jo Berry.
Matapos ang kanyang stint sa 'Magpakailanman' noong 2016, nasundan pa ito ng iba't ibang proyekto.
Kabilang diyan ang mga primetime series na' Onanay' at 'The Gift' kung saan ipinamalas ni Jo ang kanyang pagiging dramatic actress bilang lead star ng mga nabanggit na palabas.
Wala siyang background sa pag-arte pero sa loob lamang ng maikling panahon sa industriya, nakamit agad niya ang kanyang first acting award.
Hinirang siya bilang Most Promising Female Star For Television sa 50th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) noong 2019 para sa 'Onanay.'
Kung pinaiyak at naantig ang mga manonood kay Jo sa GMA soap operas, pinatawa naman niya ang mga manonood sa 'Dear Uge' kung saan nakilala siya bilang Madam So Very noong 2019. Tampok din siya sa 2019 comedy film na 'Kiko En Lala' na kanyang launching movie.
Sa ngayon, kinagigiliwan si Jo bilang little person with the biggest dreams sa GMA afternoon drama na 'Little Princess' na kanyang ikatlong full-length series.
Kahit ano mang role ang ibigay sa aktres, talaga namang kahanga-hanga ang bawat pagganap ni Jo. Pero sino nga ba si Jo, o Josephine Bitbit Berry sa tunay na buhay, sa likod ng camera? Alamin sa gallery na ito:



















