GMA Logo Glaiza De Castro and Alchris Galura
Photo by: glaizaredux IG
Celebrity Life

Glaiza De Castro, proud sa kaniyang kapatid na si Alchris Galura

By Kristine Kang
Published June 21, 2024 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ official: Discaya couple should return ill-gotten assets, if any, to state
Woman bashed on the head with hammer by ex-BF

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro and Alchris Galura


Maliban sa kaniiyang parangal bilang Best Actress, labis ang tuwa ni Glaiza De Castro para sa kaniyang kapatid na si Alchris Galura.

Kamakailan lang, nakatanggap ng parangal ang Kapuso aktres na si Glaiza De Castro sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) nitong buwan.

Nanalo si Glaiza bilang Best Actress sa kaniyang mahusay na performance sa dating GMA TV series na The Seed of Love.

Sa kaniyang panayam sa 24 Oras, super grateful daw si Glaiza na matanggap ang prestigious award.

Aniya," More than a year na rin since we finished Seed of Love pero na nakakatuwa po na maka-receive po ng ganitong klaseng recognition and siyempre thank you so much sa GMA Network for giving me that opportunity."

Maliban sa kaniyang bagong parangal, labis ang tuwa rin ni Glaiza na makasabay ang kaniyang kapatid na si Alchris Galura sa naturang awards night.

Super proud bilang ate ang Kapuso star dahil nanalo si Alchris bilang Best Supporting Actor para sa kaniyang ganap bilang nurse Evan sa hit afternoon series na Abot-Kamay na Pangarap.

Excited na sinabi ni Glaiza, "Proud na proud ako na na-recognize si Alcris at talagang ang haba umabot hanggang ilang taon ang pangarap nila. Abot-Kamay na Pangarap is done very, very well masaya ako na parte 'yung kapatid ko ng isang successful na show."

Para naman kay Alchris, overwhelming ang kaniyang mga emosyon nang natanggap niya ang kaniyang parangal.

"Na overwhelm po kasi sa totoo lang parang I do this job kasi dahil sa work and dahil of course gusto ko umarte kaya itong ma-recognize sobrang nakaka-overwhelm sa totoo lang," pahayag ni Alchris.

Labis ang pasasalamat din ni Glaiza sa magandang ratings ng bagong season ng variety show na Running Man Philippines. Lalo raw hindi biro ang kanilang taping sa winter season sa South Korea.

Halos sunod-sunod din ang taping ng aktres para sa GMA fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kuwento ni Glaiza, " Nakarami-rami naman po si Pirena ngayon ng eksena sa mundo ng tao kasi meron siyang mission kung bakit siya nasa mundo ng tao. Maganda rin ang character development ni Pirena ngayon."

Kasabay ng kaniyang taping, sasabak din ang Kapuso star sa mga challenging roles ng kaniyang dalawang upcoming films.

Related gallery: Glaiza De Castro gets acting recognition for her performance in 'The
Seed of Love'