Celebrity Life

Rodjun sees his older brother in Dingdong Dantes

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 18, 2020 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi lamang sa programang 'Ang Dalawang Mrs. Real' magkapatid ang turingan nina Dingdong Dantes at Rodjun Cruz, kung saan ginagampanan nila ang characters na Anthony at Allan Real. Sa totoong buhay, parang kuya rin ang tingin ni Rodjun sa Kapuso Primetime King.
By MICHELLE CALIGAN


PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Hindi lamang sa programang Ang Dalawang Mrs. Real magkapatid ang turingan nina Dingdong Dantes at Rodjun Cruz, kung saan ginagampanan nila ang characters na Anthony at Allan Real. Sa totoong buhay, parang kuya rin ang tingin ni Rodjun sa Kapuso Primetime King, na kamakailan ay inanunsiyo ang kanyang engagement sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

"Parang kuya ko talaga si Kuya Dong. Nakakatuwa siya kasi after or before ng scene, madalas kaming magkuwentuhan," Rodjun shares in an exclusive interview with GMANetwork.com during the Ang Dalawang Mrs. Real live chat.

Aniya, nakikita niya ang totoo niyang kuya kay Dong kaya nakaka-relate siya sa kanyang character na si Allan. "Naaalala ko rin sa kanya 'yung panganay na kapatid ko, 'yung kuya ko. Kaya, hindi ako nahirapan mag-adjust kasi nakaka-relate ako, kasi may kuya rin ako na iniidolo ko at nirerespeto ko. Ganoon rin ang respeto ko kay Kuya Dong."

Hindi lamang kay Dingdong humahanga si Rodjun, kundi pati na rin sa Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano at ibang cast members.

"Sobrang blessed ako na makasama sa Ang Dalawang Mrs. Real dahil napakagaling ng mga artista, and marami akong natututunan sa kanila. And mas nade-develop ko pa 'yung sarili ko sa acting, kasi bawat isa may kanya-kanyang style sa pag-arte and sobrang professional sila talaga. Kapag nag-start na 'yung take, in character na talaga sila. And bukod doon, sobrang humble ng lahat."