
Masayang inalala ni Ruffa Gutierrez ang pagkapanalo niya noon bilang Binibining Pilipinas World.
Sa Instagram, ibinahagi ni Ruffa ang dalawang stunning portraits niya na kuha pa noong 1993.
Makikita sa mga larawan na talaga namang angat ang kanyang kagandahan sa suot niyang red stylish dress na mayroong black beads.
Agaw-pansin din ang korona na kanyang naiuwi mula sa beauty pageant.
“Balik tanaw…31 years ago,” sulat niya sa caption ng kanyang post.
Dagdag pa ni Ruffa, “18-year old me when I was crowned Binibining Pilipinas World 1993 at the Araneta Coliseum.”
“Time flies indeed, #BinibiningPilipinas60, BBP60GrandCoronation,” pahabol pa niya.
Matatandaang matapos niyang masungkit ang titulo bilang Binibining Pilipinas World noong 1993, pinangalanan naman siya bilang second runner-up sa Miss World sa kaparehas na taon.
Samantala, isa si Ruffa sa stellar hosts ng Binibining Pilipinas 2024 Grand Coronation Night.
Gaganapin ang pinakaaabangang coronation night sa darating na July 7, 2024 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Related Gallery: Binibining Pilipinas candidates sizzle in their swimsuits