
Focus na muna ngayon sa kaniyang career at iba pang personal goals ang aktres na si Andrea Torres. Kamakailan, binuksan ng aktres ang kaniyang food businesses na Kusina ni Andeng kasunod ng kaniyang food delivery business.
Sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang mga negosyo may oras pa ba si Andrea para sa love life?
Kuwento niya sa GMANetwork.com, priority niya muna sa ngayon ang kaniyang sarili at hindi muna niya iniisip ang pagkakaroon ng partner.
Aniya, “Of course kailangan laging may time for mga personal naman na mga achievement or goals. So darating 'yan. Hindi ko naman siya pinaplano.”
Dagdag pa niya, “'Yung mga ganyang bagay I think mas maganda na hayaan mo na lang 'yung fate 'yung mag-decide kasi the more mo siya hanapin or pilitin, baka mamali ka pa e. 'Di ba? So chill ka lang.”
Para sa aktres, mas mainam na pagtuunan nang pansin ang sarili.
“Focus ka lang sa sarili mo and i-improve mo lang 'yung sarili mo palagi. Tulad din sa work, when the blessing comes you're ready and lagi kang nasa best version of yourself,” ani Andrea.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Andrea Torres's leading men through the years