GMA Logo Julie Anne San Jose and Rayver Cruz
Celebrity Life

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, excited na para sa GMA Gala 2024

By Kristine Kang
Published July 9, 2024 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose and Rayver Cruz


Kasabay ng GMA Gala 2024, magdidiriwang din si Julie Anne San Jose ng birthday ni Rayver Cruz.

Simula na ang preparations ng Kapuso real-life couple na sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz para sa nalalapit na GMA Gala 2024.

Ready na raw ang sketches ng kanilang damit at pipiliin na nila ang kanilang final outfits.

"May mga sketches na from our respective designers. Fitting wala pa, wala pong final na damit but we are very, very excited because this year's gonna be the glamarous and we're very excited as well to spend it with each other and with our friends. With our colleagues. For sure this year is gonna be fun," sabi ni Julie Anne sa Sparkle World Tour 2024 media conference.

Looking forward din ang couple sa big event, lalo na raw birthday ni Rayver ang mismong araw ng gala.

Para sa Kapuso actor, labis ang kaniyang saya para sa gala at birthday dahil makakasama niya ang kaniyang girlfriend.

"Ako personally, sobrang saya ako tuwing Gala kasi syempre napakaganda ng date ko palagi. Dito ko tine-take granted ang moments ko with her kasi nga iniisip ko na talagang isa siyang malaking, bukod sa malaking event talaga, date night ko iyon kasama si Ms. Julie Anne San Jose. Tapos GMA gala pa," sabi ni Rayver.

Maliban sa kanilang preparasyon sa awaited night, magsisimula na rin ang kanilang rehearsals para sa Sparkle World Tour sa USA at Japan.

Makilala nila ang mga Pinoy sa USA sa August 9 at 10 kasama sina Alden Richards, Isko Moreno, Ai Ai Delas Alas, at Boobay.

Lilipad din sila ng Japan para sa kanilang tour sa September 1, kasama naman sina Bianca Umali, Ruru Madrid, Jillian Wards, Ken Chan, Betong, at special guest na si Ms. Divine Daldal.

Related Gallery: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz's adventures in Canada