Celebrity Life

Jennylyn Mercado, grateful sa bagong blessings nila ni Dennis Trillo

By Kristine Kang
Published July 20, 2024 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH athletes, officials raise concerns over alleged irregularities at 2025 SEA Games
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo


Masaya at proud si Jennylyn Mercado sa bagong milestones nila ni Dennis Trillo.

Labis ang pasasalamat ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa mga natatanggap nilang blessings sa kanilang career at sa personal nilang buhay.

Kamakailan lang, nag-ground breaking ang mag-asawa para sa kanilang itatayong bagong bahay. Masayang ibinahagi ng Ultimate Star ang balita sa isang Instagram post na may caption, "Family HO-me soon!"

Sa isang panayam sa 24 Oras, ikinuwento ni Jennylyn ang kaniyang excitement para sa kanilang bagong bahay.

"Syempre 'yung tinitirahan namin kasi ngayon 'yung house ko pa nu'ng hindi pa ako married. So lumalaki na 'yung family so medyo kailangan na namin lumipat sa mas malaki ring (bahay). Ano lang po three floors lang po," masayang sinabi niya.

Maliban dito, grateful din ang mag-asawa sa kanilang bagong projects sa telebisyon at pelikula.

Babalik si Dennis sa Metro Manila Film Festival para sa official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na pinamagatang Green Bones. Makakasama rito ng Kapuso Drama King ang Sparkle star na si Sofia Pablo at ang isa pang bigating celebrity.

Proud si Jennylyn sa kanyang mister lalo na't ito ang awaited return ng Kapuso actor sa film festival.

Aniya, "I am very happy na finally, ang tagal na nu'ng huli niyang ano, eh MMFF. So ngayon, gagawa siya ng isang proyekto under GMA."

Dagdag din ng aktres, "Excited ako dito dahil nabasa ko rin 'yung script nito. Napakaganda po nu'ng story."

Mapapanood din ang Kapuso Drama King sa upcoming GMA family drama series na Pulang Araw. Kasama ni Dennis ang bigating Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.

Malapit na ring ipalabas ang first film nina Jennylyn at Dennis na Everything About My Wife. Makakasama naman ng Kapuso couple ang Kapamilya actor na si Sam Milby.

Samantala, tingnan ang family photos nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa gallery na ito: