
Napasabak si Kapuso actress and comedienne Herlene Budol sa isang unexpected adventure.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang isang maikling video ng kanyang off-road driving experience.
Mapapanood dito na nakasakay si Herlene sa isang 4-wheel drive vehicle kasama ang ilang pang mga tao.
Dumaan ang kanilang sasakyan sa maputik at hindi sementadong daan at tumawid pa sa ilog.
Makikita ring noong una ay nakasilip pa ang bumabati sa mga taong nadadaanan si Herlene pero kalaunan ay magiging mauga na sa sasakyan.
Kamakailan lang, ibinahagi rin ni Herlene ang isang kakaibang commuting adventure niya sakay ng motorsiklo.
Habang nagko-commute pauwi gamit ang isang ride-hailing app, nakipagpalit pa siya sa kanyang rider at naranasang magmaneho ng motor.
May nakakalubilo pa siyang iba pang commuters na nagbigay pa sa kanya ng isang subo ng ice cream.
Abala ngayon si Herlene sa iba't ibang TV guestings at pagiging host ng daily morning variety game show na TiktoClock.