GMA Logo alyssa valdez ej obiena mimiyuuuh
Celebrity Life

Alyssa Valdez's old vlog with EJ Obiena and Mimiyuuuh goes viral

By EJ Chua
Published August 15, 2024 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mare, Ano'ng Latest? (December 25, 2025)
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City

Article Inside Page


Showbiz News

alyssa valdez ej obiena mimiyuuuh


Binalikan ng netizens ang kulitan moments nina Alyssa Valdez, EJ Obiena, at Mimiyuuuh sa isang vlog.

Viral ngayon ang isa sa vlogs ng volleyball player na si Alyssa Valdez, kung saan kasama niya ang kaibigan at Olympian pole vaulter na si EJ Obiena, at ang content creator na si Mimiyuuuh.

Pinag-uusapan ng netizens ang kuwentuhan moments nina Alyssa at EJ, na umikot sa sports at personal na buhay ng huli.

Ilan sa mga nakapanood nito ay talaga namang natuwa sa kanilang bonding moment.

Sa kalagitnaan ng vlog, spotted si Mimiyuuuh na nakikipagkulitan at nakikipagtawanan sa tatlo niyang kasama.

Kinagiliwan din ng netizens ang kilig moment ni Mimiyuuuh sa pole vaulter na si EJ nang tanungin siya ni Alyssa kung ano ang type niya sa isang lover.

Ang vlog na in-upload ng volleyball player noong November 2023 ay mayroon na ngayong 225,000 views sa YouTube.

Narito ang ilang reaksyon at komento ng netizens sa naturang content:

Samantala, maingay ngayon ang pangalan ni EJ matapos niyang makuha ang ikaapat na puwesto sa katatapos lang na 2024 Paris Olympics.

Samantala, tingnan ang ilang pang Pinoy athletes na naging bahagi ng 2024 Olympics: