
“Wala akong account sa X.”
Ito ang naging pahayag ng StarStruck alumna na si Sarah Lahbati nang magbabala siya sa kaniyang online followers sa Facebook tungkol sa account niya diumano sa X (dating Twitter).
Sinabi ni Sarah sa kaniyang post kahapon (August 22) na fake news na maituturing kung may makita kayong account sa X na gamit ang pangalan niya.
“Guys, I don't have twitter,” sulat niya sa kaniyang post. “Again, beware of FAKE news.”
Matatandaan naman na naging biktima ng hacking si Sarah noong 2016 nang may mag-hack ng kaniyang personal Instagram page.
Naging laman ng balita ang celebrity mom nitong mga nakaraang buwan lalo na nang kumpirmahin niya sa isang TV interview noong Marso na hiwalay na sila ng mister na si Richard Gutierrez.
May dalawa silang anak sina Zion at Kai.
RELATED GALLERIES:
Celebrities take action against unauthorized use of their names in fake product ads
Celebrities na nagamit ang pangalan para makapang-scam