GMA Logo Ogie Diaz and Bea Alonzo
Celebrity Life

Ogie Diaz, tuloy pa rin magbabalita tungkol kay Bea Alonzo kahit na may kaso

By Kristine Kang
Published August 23, 2024 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Diaz and Bea Alonzo


“'Yung demanda niya doon sa partikular na vlog , eh du'n lang 'yun. Pero 'pag may balita kami about her, babalita pa rin namin.” - Ogie Diaz

Naging usap-usapan ng netizens ang isyu nina Kapuso star Bea Alonzo at showbiz columnist na si Ogie Diaz matapos silang magsampa ng reklamo laban sa isa't isa.

Matatandaan na unang naghain si Bea ng tatlong magkakahiwalay na kaso ng cyber libel laban sa kanila ni Cristy Fermin, Ogie Diaz, at sa iba pang kasama niya sa online show. Ayon kay Bea, siya raw ay naging biktima ng maling, mapanira at malisyosong impormasyon na ikinalat ng mga online hosts.

Noong Hunyo naman, nagsampa ng counter affidavit sina Ogie at ang kanyang mga co-host sa reklamo ni Bea. Ayon sa kanilang abogado, "Wala naman sinabi 'yung client namin na si Ogie Diaz at 'yung mga co-host niya iba nagsabi. Ngunit kahit may sinabi co-hosts niya, ito'y nakapaloob pa rin sa fair comment doctrine na pinoprotektahan ang ating korte suprema."

Kaugnay ng kanilang alitan, nagbigay rin ng pahayag sina Ogie at Mama Loi tungkol sa mga kwestyon kung titigil ba sila sa pagbabalita tungkol kay Bea. Ayon sa kanila, hindi apektado ang kanilang trabaho at patuloy nilang ibabalita ang mga istorya ni Bea.

“Nagbalita naman tayo, ah. Kasi nga, 'di ba, in line with public interest, 'di ba. Siyempre, artista 'yan,” sabi ni Mama Loi.

Dagdag naman ni Ogie, "Public figure ka [Bea] e, 'di ba. Siyempre, lahat naman... kapag nandito ka sa industriya at kahit sa politics, 'di ba? Talagang subject to public opinion,to public scrutiny lahat."

Sa isang panayam sa YouTube channel ni Aiko Melendez, mas pinaliwanag ni Ogie ang kanyang pahayag tungkol sa patuloy na pagbabalita tungkol sa Kapuso aktres.

"'Yung demanda niya doon sa partikular na vlog , eh du'n lang 'yun. Pero 'pag may balita kami about her, babalita pa rin namin. Kung may magandang ginawa si Bea, kailangan ipagmalaki at malaman ng mga tao. Hindi para balikan kami na, 'Hoy! Bea ah, ang ganda ng ginawa ko sa iyo. Baka naman.' Hindi ganoon. Basta may nagawa kang good, sasamahan kita," paliwanag niya.

Dagdag pa niya, "Pero 'pag meron may mga tsimis o 'yung mga balibalita tungkol sa mga artista, lalo na't galit sa akin, syempre balita 'yun, eh. Pero hindi para i-judge ka namin. Balanse pa rin kami."

Katulad ng ibang mga artista na nagtampo sa kanya, hindi raw magiging epekto ang kanilang alitan sa kanyang trabaho bilang showbiz reporter. "Hindi rin para i-ban ko sila doon sa aking channel sa 'Ogie Diaz Update' kasi balita 'yan eh. Bakit ko pipigilan? Eh kung may galit sila sa akin [at] may ginawa silang maganda, iaangat ko [pa rin] sila," sabi niya.

link: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/115306/ogie-diaz-inaming-maraming-artista-ang-nagtampo-sa-kaniya/story?ref=mostpopular

Samantala, balikan ang mga high-profile libel complaints sa Philippine showbiz: