
Ipinagdiriwang ni Pokwang ngayong August 27 ang kaniyang 52nd birthday.
Sa isang Instagram post ay inilahad ng TiktoClock host ang kaniyang ipinagpapasalamat sa kaniyang kaarawan.
Ani Pokwang, "52 and more to come to celebrate with my family"
Saad pa ni Pokwang, maraming mga dahilan para magpasalamat sa Panginoon,
"More reasons to be thankful and grateful to God 🙏🏼 😘❤️ #52naMamangPokwang #BirthdayniMamangPokie"
RELATED GALLERY: TRIVIA: Fun facts about comedy star, Pokwang
Dahil birthday ni Pokwang ay nag-post ng mensahe ang ilan sa mga kaibigan ni Pokwang sa showbiz.
Saad ni Marian Rivera, "Happy birthday mamang"
Hindi rin nagpahuli sa birthday greeting ang isa sa malalapit na kaibigan ni Pokwang na si Eugene Domingo. Ani Eugene, "Happy birthday sis!!! I am sure matutupad lahat ng wishes mo. Nakaabang lang kami sa launch ng iyong specialties! 😋 @itspokwang27"
PHOTO SOURCE: Instagram
Nag-iwan din ng mensahe si Kris Bernal, "Happy Birthday, mamang ❤️ You deserve all the love and happiness in the world!"
Saad naman ni Sugar Mercado sa kaniyang mensahe kay "Mamang" Pokwang, "Loveyou mamang ko your so blessed 👧👧 so proud of u ❤️❤️❤️ 🙌 so LORD Ang gagabay at mag tatangol sa inyo 🙏🙏🙏"
Isang birthday greeting din ang inilahad ni Geneva Cruz sa Instagram post ni Pokwang.
"Merry Birthday, gorgeous mama. Age is nothin but a number! ❤️😍"
PHOTO SOURCE: Instagram
Happy birthday, Pokwang!
SAMANTALA, BALIKAN ANG STUNNING PHOTOS NG BIRTHDAY GIRL NA SI POKWANG: