GMA Logo Ayesha Zara
Celebrity Life

Anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara, sinugod sa ospital

By Aedrianne Acar
Published September 18, 2024 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ayesha Zara


Sakit ng tiyan at pagsusuka ang dahilan kung bakit kinailagan dalhin sa ER si Ayesha, ang anak ng aktres na si Yasmien Kurdi.

Maraming fans ng Sparkle actress na si Yasmien Kurdi ang nag-alala sa magkasunod niyang post kahapon, September 17 sa Instagram Story tungkol sa kaniyang anak na si Ayesha Zara .

Base sa update ni Yasmien, kinailangan na nila isugod ang panganay nilang anak sa ospital.

Sa sumunod niyang Instagram post ng Martes ng gabi, kinumpirma ng aktres na nakaramdam ng stomach pain at pagsusuka si Ayesha. Hiling din nito ang agaran paggaling ng panganay nila ni Rey.

Sabi niya, “Ate Ayesha was rushed to the ER with stomach pain, vomiting, and dehydration. Little Raya stopped by to visit her ate. Get well soon, our precious girl. We love you so much! ️ #GetWellSoon #AyeshaZara”

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)


Ilang celebrities din ang dumamay sa pamilya ni Yasmien at dasal din nila na bumuti na ang lagay ni Ayesha kabilang dito sina Joross Gamboa, Rodjun Cruz, at Charee Pineda.

Isinilang naman ni Yasmien Kurdi ang second baby niya na si Raya Layla noong April 28, 2024.

RELATED CONTENT: Celebrities who had health concerns this year