GMA Logo Eva Le Queen
Source: eva_lequeen/IG
Celebrity Life

Eva Le Queen, inirespeto ang pagtutol ng mga magulang sa kaniyang pagiging drag queen

By Kristian Eric Javier
Published September 19, 2024 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Eva Le Queen


Para kay Eva Le Queen, kinailangan niyang irespeto ang oras ng kaniyang mga magulang bago matanggap ang pagda-drag niya.

Isa sa mga matatawag na household names ng drag scene sa Pilipinas ay si Eva Le Queen. Bukod kasi sa pagsali niya noon sa Drag Race Philippines, naging parte rin siya ng RuPaul's Drag Race Global All Stars. Ngunit pag-amin ng drag queen, hindi naman agad natanggap ng kaniyang mga magulang ang pagsali niya sa drag.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Eva na tanggap naman ng kaniyang mga magulang ang pagiging gay niya. Kahit nang ipakilala niya ang kaniyang first boyfriend ay tanggap pa rin nila.

“Pero siguro parang may ibang nag-click sa kanila nu'ng nakita nila 'yung anak nilang lalaki, nagbihis ng pambabae. Medyo hindi nila na-reconcile 'yun. Nu'ng una nilang nalaman, ng nanay ko, halos ilang buwan kaming hindi nag-usap at nakatira lang kami sa iisang bahay,” kuwento ni Eva.

Inalala rin ni Eva ang isang pag-uusap nila sa text, “Nasa iisang bahay kami, ite-text pa niya 'ko, andu'n lang siya sa kabilang kuwarto. 'Pasensya ka na, 'nak, hindi ko talaga tanggap 'yung pagda-drag mo.' Ang sabi ko lang sa kaniya is, 'Okay lang naman, hindi ko naman ipipilit.'”

Paliwanag ni Eva, “Kasi naniniwala ako na acceptance goes both ways, hindi porke't nilabas mo 'yung kung sino ka, you expect them to accept it. Hindi mo isasaksak sa lalamunan nila 'yan, you give them the time. You respect their time to process it and that's what true acceptance is, it goes both ways.”

BALIKAN ANG ILAN SA MGA REGAL LOOKS NI EVA SA GALLERY NA ITO:

Hiling lang umano niya sa kaniyang pamilya ay huwag siyang pigilan sa pagda-drag dahil wala namang masama sa ginagawa niya. Ayon sa kaniya. matagal din bago natanggap ng kaniyang mga magulang at naintindihan lang nila noong napanood na nila siya sa Drag Race Philippines.

“It took them time and they saw Drag Race Philippines, they understood why I do what I do and they became fans of my vision for the drag community dito sa Pilipinas. When I had my premier, my mom and dad were there, first time nila ako makitang mag-perform in eight years na nagda-drag ako,” sabi pa niya.

Para kay Eva, milestone ang makita at matanggap ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pagda-drag, at sinabing katumbas iyon ng isang taong kinasal o binyag ng unang anak.

“Ito siya, the thing that I love the most and then the people that I love the most in one place celebrating that, 'yun siya e. First time kong makita 'yung nanay ko, tinignan niya ako sa mata, mangiyak-ngiyak pa siya, sabi niya, 'Ang galing-galing mo,'” Sabi ni Eva.

Pagpapatuloy ng drag queen, “It's not RuPaul saying na I'm good that day, it's my mom, finally looking at me in the eye. Hinihingi pa niya 'yung video, sabi niya, 'Nasaan 'yung video ng performance mo, anak? Kasi hindi ko na-video-han kasi umiiyak ako habang pinapanood ka.'”

Pakinggan ang panayam kay Eva rito: