GMA Logo Kim de los Santos
source: kim.delossantos/FB
Celebrity Life

Kim de los Santos, ikinumpara ang buhay bilang aktres at pagiging nurse

By Kristian Eric Javier
Published September 27, 2024 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Kim de los Santos


Para kay Kim de los Santos, may pagkakatulad ang kanyang pagiging aktres at trabaho bilang nurse.

Nakilala noong '90s ang aktres na si Kim de los Santos nang maging parte siya ng teen-oriented show ng GMA na T.G.I.S. Ngunit noong 2004 ay iniwan niya ang mundo ng showbiz para manirahan sa Unites States matapos makipaghiwlay sa dating asawa na si Dino Guevarra.

Ngunit para kay Kim, ang pagiging nurse sa US ay hindi nalalayo sa pagiging aktres niya.

Sa online entertainment vlog na Marites University, ibinahagi ni Kim na kakapasa lang niya sa board exam para maging psychiatric health nurse practitioner na haharap sa mga pasyenteng may mental health issues.

Ayon sa dating aktres, hindi naging madali noong una ang paglipat niya sa Amerika at inaming walang mararating ang mga tao doon kapag hindi ka nag-aral. Kaya naman papagdesisyunan niya na muling bumalik sa eskwela.

“So I went back to school, asked my dad for help, he helped me. Nag-LDN (learning disability nurse) muna ako, then nag-BSN (Bachelor of Science in Nursing) ako, then after BSN I did my masters, and now my NP,” kuwento ni Kim.

Aminado rin siya na nami-miss niya ang pagiging aktres at sinabing parte na ito ng buhay niya simula noong six years old siya.

“Nami-miss ko siya, pero there are times na parang kumportable ka na rin sa America. It's the comfort already. I've been there, actually this year, 20 years,” sabi ni Kim.

“But the way I looked at it, ang pag-aartista is helping people. You act, you try to make the people feel good, right? Nursing is the same way. I still find myself trying to make people happy during the hardest times in their lives and I'm just proud,” pagpapatuloy ng dating aktres.

Kahit pa ipinanganak siya sa US, naging malaki ang epekto kay Kim nang manirahan siya Pilipinas at nakuha ang kultura at pananampalataya ng mga Pinoy.

“'Yung faith at pagtulong sa kapwa, it came from here. It came from the upbringing, 'yung mga turo sa atin ng mga ninuno natin, 'yung to be thankful sa lahat ng meron ka. Ke konti, ke marami, at 'yung pagtulong,” paliwanag ni Kim.

“Kasi tayo, 'pag kunwari wala kang kangkong, kailangan mo ng kangkong sa kapitbahay, 'pahingi!' They'll give it to you, right? Walang satsat, they'll give it on the spot. So na-appreciate ko siya ng sobra. Mahal ko ang bansa natin, 'yun talaga.”

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA INIWAN ANG SHOWBIZ PARA SA BUHAY-ABROAD SA GALLERY NA ITO: