
Sa unang pagkakataon, nagbigay na ng pahayag ang Star of the New Gen na si Jillian Ward tungkol sa kanyang love life.
Sumalang sa panayam ng GMA Integrated News si Jillian kamakailan lang, at dito ay sinagot niya ang ilang tanong na may kaugnayan sa kanyang personal na buhay.
Isa sa mga ito ay kung sino ang nagpapakilig ngayon sa kanya.
Sagot ni Jillian,“Well wala po akong boyfriend, pero minsan kinikilig po talaga ako.”
LOOK: The many times Jillian Ward proved her beauty is exceptional
Hindi naman direktang sinagot ng Sparkle star kung nasa showbiz ba ang mystery guy na nagpapatibok ngayon ng kanyang puso.
Napangiti na lamang siya na nangangahulugan na [Oo nasa showbiz] ang kanyang sagot.
Paliwanag niya, “Ito na lang po so, 'yung gusto ko kasi hindi niya alam na gusto ko siya. Hindi naman po one-sided kasi apparently gusto niya raw ako pero hindi ko sinasabi sa kanya na gusto ko siya.”
Kasunod nito, inilahad naman ng Sparkle actress kung ano ang mga katangian na hinahanap niya sa kanyang future boyfriend.
Sabi niya, “Siyempre, God-fearing, very family oriented… very honest sa sarili niya and may paninindigan, and hardworking, 'yun po ang pinakaimportante.”
“Gusto ko po 'yung mabait talaga and hindi po siya pretentious,” dagdag pa niya.
Samantala, napapanood bilang lead star si Jillian sa award-winning drama na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilalang-kilala siya sa serye bilang si Dra. Analyn Santos, ang pinakabatang doktor sa bansa na mayroong ginintuang puso.
Siyam na araw na lang ang natitira at mapapanood na ang huling episode ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Huwag palampasin ang natitirang huling mga tagpo sa hit GMA medical drama series.
Mapapanood ang hit series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: