
Nagdaos kamakailan si Pokwang ng house blessing para sa kanyang bagong bahay na ipinagawa.
Kabilang sa mga dumalo rito ang TiktoClock co-stars niya na sina Jason Gainza at Herlene Budol, na nag-post pa ng house tour sa kanyang Instagram account.
Ipinasilip ni Herlene Budol ang walk-in closet, master bedroom, banyo, altar, living room, at dining area sa bagong bahay ni Pokwang.
Bukod sa bagong bahay, nakapagpundar din si Pokwang ng negosyo. Itinuloy niya ang kanyang bottled food business na tinawag niyang Mama Pokwang's Gourmet.
Nagbenta rin si Pokwang ng iba pa niyang properties. Sa ngayon ay for sale na rin ang kanyang ipinatayong beach house sa Bataan.
RELATED CONTENT: Inside Pokwang's summer house in Mariveles, Bataan
Samantala, mapapanood si Pokwang sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit, kasama ang TiktoClock co-star niyang si Herlene Budol.