GMA Logo zeinab harake
Courtesy: Zeinab Harake (YouTube)
Celebrity Life

Zeinab Harake, ipinasilip ang kanyang routine sa bagong bahay

By EJ Chua
Published October 30, 2024 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

zeinab harake


Ano kaya ang napansin ang netizens sa recent vlog ni Zeinab Harake? Alamin dito.

Pinag-uusapan ngayon ang 'A Day in Our New Home + Kids Room Tour' vlog ni Zeinab Harake.

Mapapanood ito sa YouTube channel niya, kung saan ibinahagi ng vlogger-actress ang ilang detalye tungkol sa kanyang bagong bahay at paninirahan niya rito.

Ipinasilip rin ng social media star sa kanyang subscrivers ang isa sa mga balcony ng kanilang bagong bagay, na ayon sa kanya ay paborito niyang tambayan.

Habang nandito, binanggit ni Zeinab ang isa sa kanyang morning routine.

Sabi niya, "Actually, ang kadalasang ginagawa ko kapag nagigising ako... lahat ng kailangan kong i-check--e-mails, mga kailangang i-edit, kung ano yung work na kailangan kong i-settle. Isa 'yan sa mga routine ko every time.

"Alam n'yo naman kapag nagba-vlog ako, ako yung nagpo-promote, ako yung nag-a-upload, ako yung nag-iisa-isa sa lahat ng social media accounts ko. So, medyo madugo siya."

Parte rin ng vlog ang pagluluto ng celebrity mom at ang kulitan moments nila ng kanyang dalawang anak na sina Lucas at Bia.

Related gallery: Bobby Ray Parks Jr.'s daddy moments with Zeinab Harake's kids Lucas
and Zebbiana

Labis namang kinagiliwan ng netizens ang pa-room tour sa naturang vlog, lalo na't sina Lucas at Bia mismo ang humarap sa camera para ipakita ang kanilang mga kwarto.

Ayon kay Zeinab, room tour muna ang nagawa nila dahil marami pa umanong dapat asikasuhin sa kanilang bagong bahay.

Sa comments section, mababasa ang napakaraming positive feedback sa recent vlog at iba pang videos ng vlogger-actress.

Komento ng ilan, napapansin nilang nagta-transition na talaga siya sa natural, seryoso at masayang family vlogs.

Ayon pa sa ilang netizens, ramdam na ramdam ang peace at joy sa mga vlog ngayon ni Zeinab.


Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 713,000 views ang latest vlog na ito sa YouTube.

Samantala, si Zeinab ay happily engaged kay Bobby Ray Parks Jr., isang basketball player at itinuturing na daddy nina Lucas at Bia.

Related gallery: Zeinab Harake and Ray Parks' dreamy and grandiose engagement