
Ilang celebrities ang game na game na ibinida ang kanilang entries para sa viral na “APT” challenge.
Hindi na rin nagpahuli sa dance craze ang ilang hosts ng GMA's longest-running morning show na Unang Hirit.
Sa latest episode ng Unang Hirit, napanood ang lively performance nina Shaira Diaz at Kaloy Tingcungco.
IN PHOTOS: The fangirl moments of Shaira Diaz
Bukod sa kanilang cool na dance steps, labis ding kinagiliwan ang kanilang looks at outfits.
Sa comments section sa posts ng Unang Hirit sa Facebook, mababasa ang reaksyon ng netizens tungkol sa kanilang cuteness habang sumasayaw.
Samantala, ilan sa mga nakisaya sa viral challenge ay ang MAKA stars na sina Zephanie at Dylan Menor.
Ang “APT” ay collaboration track ng BLACKPINK member na si Rosé at Filipino-American singer na si Bruno Mars.