GMA Logo Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali, ipinamalas ang galing sa paghawak ng balisong

By Kristian Eric Javier
Published November 13, 2024 3:01 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
6 men to face alarm and scandal complaint after roadside scuffle
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Ipinakita ni Bianca Umali ang kaniyang bagong kasanayan sa Filipino martial arts.

Ipinamalas ni Encantadia Chronicles: Sang'gre star Bianca Umali ang kaniyang galing sa paggamit ng Filipino bladed weapons na balisong o butterfly knives.

Sa Instagram reels, ipinakita ni Bianca ang iba't ibang tricks na kaya niyang gawin sa balisong. Makikitang nagpapaikot siya ng balisong sa parehong kamay niya ng sabay.

“Panibagong kasanayan,” caption ni Bianca sa kaniyang post at nilagay ang hashtag na FMA o Filipino Martial Arts.

Komento naman ng kaniyang boyfriend na si Ruru Madrid na kapwa niya nagsasanay rin sa FMA, “Katakot ka naman Miss…”

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Marami rin ang nagpahatid ng kanilang paghanga sa pagsasanay na ginagawa ni Bianca. Isang netizen ang nagbigay ng paalala sa aktres na mag-ingat sa bagong kasanayan, habang ang isa naman ay binalaan si Ruru na mag-ingat at baka mahiwa siya ni Bianca.

“Ingat ka po sa panibagong kasanayan kapatid…,” komento ng netizen.

“Ingat Ruru... Mahihiwa ka diyan…,” sulat naman ng isa pa.

Isang netizen naman ang nagsabi “Naiimagine ko yong sa pag ganap nya bilang anak ni Danaya.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpamalas ng kaniyang galing si Bianca sa martial arts. Noong 2022 ay nag-post rin ang aktres ng video kung saan makikita siyang nagsasanay sa arnis at bo staff.

Gaganap si Bianca bilang si Terra, isa sa bagong henerasyon ng mga Sang'gre. Makakasama niya rito sina Kelvin Miranda (Adamus), Angel Guardian (Deia), at Faith Da Silva (Flammara).

Panoorin ang buong report ng Unang Balita rito:

BALIKAN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAG-ARAL DIN NG MARTIAL ARTS SA GALLERY NA ITO: