
Buong puso ang suporta ng It's Showtime host at pageant fan na si Vice Ganda para sa Pinay beauty queen na si Chelsea Manalo.
Bigo mang makapasok sa Top 12, ipinamalas naman ni Chelsea ang husay at galing ng mga Filipina ng makapasok ito bilang Top 30 semifinalist ngayong taon.
Sa post sa X ng Unkabogable Star, nagpasalamat ito kay Chelsea. Aniya, “Thanks Chelsea! Have a safe flyt back home!”
Thanks Chelsea! Have a safe flyt back home! ❤️❤️❤️
-- jose marie viceral (@vicegandako) November 17, 2024
Sa nauna niyang post, sobrang nagustuhan ni Meme Vice ang ipinakitang rampa ni Chelsea sa coronation night ng Miss Universe 2024.
“Ayan ganyan Chelsea! Gusto ko yang rampang parang may pinapahid ka sa gutter. Laban!”
Ayan ganyan Chelsea! Gusto ko yang rampang parang may pinapahid ka sa gutter. Laban! #Philippines #MissUniverse2024
-- jose marie viceral (@vicegandako) November 17, 2024
Noong nakaraang taon, ang Sparkle beauty queen at international model na si Michelle Dee ang nag-represent sa bansa at pumasok sa Top 10.
Apat na beses nang nanalo ang Pilipinas sa Miss Universe pageant. Ang past Pinay winners natin sa prestihiyosong pageant ay sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), and Catriona Gray (2018).
RELATED CONTENT: CHELSEA MANALO'S AMAZING OOTD