
Maraming properties sa Pilipinas ang nasira sa paghagupit ng Bagyong Pepito.
Kabilang sa mga nasalanta ng naturang bagyo ay ang beach resort na pag-aari ng actress-model na si Sam Pinto. Matatagpuan ang resort ni Sam na pinangalanan niyang L 'Sirene sa Baler, Aurora.
Sa kanyang latest post sa Instagram Stories, ibinahagi ni Sam ang isang video, kung saan ipinakita niya ang pinsalang idinulot ng bagyo sa kanila.
Base sa post, ang kapatid ni Sam ang nakasaksi kung ano ang nangyari sa resort sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Pepito.
Sulat ni Sam, “The aftermath, kawawa.” My sister (who was there during the storm sent this).”
Samantala, sa kanyang previous interviews, sinabi ni Sam na ang kanyang resort ang isa sa mga paboritong puntahan ng mga surfer.