GMA Logo Herlene Budol
Celebrity Life

Herlene Budol, mamimigay ng regalo ngayong Pasko

By Jansen Ramos
Published November 24, 2024 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Inanunsyo ni 'Binibining Marikit' star Herlene Budol na magkakaroon siya ng grand fans day na tinawag niyang 'Grand Hipon Day,' kung saan mamimigay siya ng tig-iisang kilo ng hipon sa kanyang solid supporters.

Blessed si Herlene Budol sa mga natatanggap niyang proyekto.

Bukod sa pagiging host sa daily variety show na TiktoClock, mapapanood din siya sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit. On the side, may brand engagements at endorsements din si Herlene.

Bilang pasasalamat sa kanyang fans, inanunsyo ng Kapuso star sa kanyang Facebook page na magkakaroon siya ng grand fans day, na tinawag niyang 'Grand Hipon Day,' kung saan mamimigay siya ng tig-iisang kilo ng hipon sa kanyang solid supporters. "Hipon" ang naging palayaw ni Herlene dahil, aniya, sexy ang kanyang katawan ngunit hindi kagandahan ang kanyang mukha.

Kalakip ng isang litrato ng ilang bigkis ng peso bills, sabi niya sa post, "Raket ko for this week. TYL sa lahat ng blessings at sa mga eneendorse kong produkto. Salamat sa tiwala. kaya sa mga inaanak ko, May 1K kayo at pa burger sa darating na pasko.

"Abangan nyo rin ang GRAND HIPON DAY na mag bibigay ako ng tig iisang kilo na Hipon para sa pananghalian ng family ng bawat isa sa mga solidong KaSquammy, KaBudol at KaHiponatics ko dyan. Comment below kung saan area gusto nyo ako mapadpad."

Nag-viral si Herlene nang maging contestant sa Wowowin noong 2019 bilang bikini open winner.

Naging daan ito para pasukin niya ang showbiz at pageant scene.

Noong 2023, bumida si Herlene sa sa GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag.

NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL: