Article Inside Page
Showbiz News
Kayang balansehin ni Sarah ang pag-aalaga sa kanyang anak at sa kanyang sarili.
Pinaghirapan ni Sarah Lahbati ang figure na kanyang inirampa sa
The Naked Truth denim and underwear show ng Bench noong Sept. 19.
Kasama ni Sarah na sumabak sa show si Richard Gutierrez, ang ama ng kanyang anak na si Zion.
“It took me quite a while because I breastfed and inalagaan ko muna si Zion. And then, when I felt like I was ready to work out and focus on myself, so I can work again siguro three months after giving birth, I started taking care of myself again,” aniya sa panayam ng
24 Oras.
Panay ang exercise at kain ni Sarah ng healthy food ngayon.
Pero
hands-on mom pa rin siya, kaya’t isinasama niya sa work outs niya si Zion, na masaya namang naglalaro sa playground.
May offer na raw para gumawa ng commercials si Zion pero hindi pa nila ito papayagan ni Richard.
“We want to focus on Zion as a baby, who grows so fast,” dagdag niya.