
All-out si Heart Evangelista sa Christmas party na inihanda niya para sa kanyang team na naging malalapit na kaibigan na rin niya.
Intimate ang kanilang naging salo-salo na ginanap mismo sa bahay ng Global Icon at tinawag niya itong "Team Heart Christmas Party."
Bagamat walang malakihang setup, sinigurado ni Heart na lahat ng miyembro ng kanyang team ay magiging masaya ngayong Pasko.
Bilang pasasalamat sa kanilang pagkakaibigan sa gitna ng trabaho, bigatin ang mga pina-raffle ng Sparkle artist para sa kanyang team, kabilang na ang trusted and loyal fashion designer niyang si Michael Leyva at makeup artists na sina Albert Kurniawan at Mickey See.
Sa Instagram Reel na ipinost niya noong Lunes, December 16, mapapanood na nagpa-raffle si Heart ng cash at dalawang massage chair na nagkakahalaga ng Php 196,000 at Php 560,000 na mula sa kanyang ineendorsong brand.
Nitong Nobyembre lang, nakatanggap din ang bawat miyembro ng Fashion Week team ni Heart ng tigi-tigisang Hermes bag bilang advanced Christmas gift.
Samantala, mapapanood ang limited reality series ni Heart Evangelista na Heart World tuwing Sabado, 9:30 p.m. sa GMA.
RELATED CONTENT: In 'Heart World' debut episode, Heart Evangelista looks back on meeting Song Hye Kyo in Paris