GMA Logo Carmina Villarroel reaction to spliced video
PHOTO SOURCE: @mina_villarroel/ Wala Pa Kaming Title podcast
Celebrity Life

Carmina Villarroel reacts to spliced video painting her in a bad light

By Maine Aquino
Published January 6, 2025 4:16 PM PHT
Updated January 6, 2025 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel reaction to spliced video


Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon nina Gelli De Belen, Janice De Belen at Candy Pangilinan nang mapag-usapan ang viral na 'spliced video' ni Carmina Villarroel?

Nagsalita na si Carmina Villarroel tungkol sa kumakalat niyang spliced video sa social media.

Inilahad ni Carmina ang kaniyang reaksyon sa kanilang podcast nina Candy Pangilinan, Gelli De Belen, at Janice De Belen na "Wala Pa Kaming Title."

Unang nagsaad ng saloobin ang mga kaibigan ni Carmina na sina Candy, Gelli, at Janice. Inilahad ni Gelli ang topic na kanilang pinaguusapan sa spliced video, "We were talking about if your children have boyfriends or girlfriends, ano ang magiging reaksyon?"

Dugtong ni Gelli, unfair ito sa kanilang kaibigan na si Carmina.

"She's getting flak for it and it's unfair. It's totally unfair... When we shot this, whatever the situation happened after, or issues happened after, wala po 'yung kinalaman at hindi po 'yun current na nangyayari."

PHOTO SOURCE: Wala Pa Kaming Title podcast

Kasama sa video na inedit ang reaksyon ni Candy. Nilinaw naman niya ang nangyayari sa studio noon kung bakit ganoon ang reaksyon niya sa video. Paliwanag ni Candy, "'Yung reaksyon ko po is I was looking at the person who was handling the time."

Saad naman ni Janice na sila ay mga ina na nagre-react lang.

"Kami po ay mga ina. Sa mga magulang na nakikinig at nandiyan, I am sure you will understand na sa bawat magulang, ang tanging interes ay ikabubuti ng mga anak. Sometimes there will be violent reactions, which is normal."

Nagdesisyon na rin si Carmina sa podcast na magsalita na tungkol sa spliced video.

Ani Carmina, "First time ko na rin naman magsasalita, dito na lang. Since napaka-unfair dahil kinuha niyo na nga 'yung video, ini-splice splice niyo pa, inedit-edit niyo pa na parang sinasabi ninyo, I was pertaining to a certain person."

Saad pa ng Kapuso actress, para maging malinaw sa lahat ay balikan raw ang orihinal na video na pinagmulan ng viral na spliced video.

"Balikan niyo, pumunta kayo sa original video at tingnan niyo kung ano ang tanong nila sa akin kung bakit po ganoon 'yung reaction ko... I wasn't pertaining to any person."

Inilahad ni Carmina na nalungkot siya sa kinalabasan ng spliced video na ito.

"Nakakalungkot lang kasi chinop-chop ninyo tapos pinalabas ninyo na pinapatamaan ko 'yung isang tao. Tapos may mga ibang tao pa na naniwala. Ako naman, I'm not here to please anybody because you can't."

Ikinuwento naman ni Gelli na si Carmina lang ang na-edit sa kabuuan ng kanilang pag-uusap.

"She was not pertaining to anyone. Walang ganoon. Lahat kami nagsalita pero siya lang inedit ninyo."

Depensa ni Janice sa nangyari sa kanilang kaibigan, "Huwag naman ganoon, guys. Huwag ganoon."

Sa huli ay sinabi ni Candy na maging kind and happy na lang sana ang bawat isa.

"Let's all move forward, let's all be kind, and let's all be happy."

SAMANTALA, NARITO ANG MGA CELEBRITIES NA NAG-LAUNCH NG KANILANG PODCAST:

xxxxxxxxxx