
Ngayong 2025, hindi lamang career success ang inaatupag ni Shayne Sava, kundi pati na rin ang kanyang glow-up!
Sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Miyerkules, inilahad ng aktres ang kanyang plano ngayong taon.
Nabanggit rin ni Shayne Sava na marami siyang mabibigat na pinagdaanan noong nakaraang taon. Ngunit, narito pa rin siya at hindi sumusuko.
Kaya naman ngayong 2025, naka-focus rin siya sa pagtatag ng bagong bersyon ng kanyang sarili.
"Mas improved Shayne, mas bolder, mas lalong gagalingan. Lalo po akong mag-tatake ng risk sa iba't-ibang mga bagay," sabi ng aktres.
Ipinangako ni Shayne Sava na hindi na siya matatakot harapin at subukan ang mga bagay-bagay.
Nabigyan ng maagang blessing ngayong taon si Shayne dahil siya ay bibida sa bagong GMA Afternoon Prime Series na Mommy Dearest, kasama sina Camille Prats at Katrina Halili.
Banggit ni Shayne, "Masaya po ako kasi isa po kami sa mga ipapalabas ngayong taon and masaya po yung start New Year ko."
Si Katrina Halili ang naging mentor ni Shayne Sava noon sa Starstruck. Si Camille Prats naman ang gumanap bilang kanyang ina noon sa GMA Afternoon Prime Series na AraBella.
Abangan ang suspense thriller series na Mommy Dearest ngayong February 17 sa GMA.
Kilalanin dito ang iba pang cast ng Mommy Dearest: