IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Sanya Lopez

Patuloy ang pagkinang ng bituin ni Sanya Lopez sa mundo ng showbiz.
Pero sa pagpapatuloy ng kanyang karera sa entertainment industry, ilang mga lalaki ang may ginampanang mahalagang role sa kanyang personal at professional na buhay.
Mula sa kanyang maaasahang kuya na si Jak Roberto at kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Master Showman German “Kuya Germs” Moreno, na nagbukas ng pintuan sa kanya na maging artista sa late-night show 'Walang Tulugan.'
Sa isang panayam noong 2016, inalala ni Sanya ang showbiz icon, “Lahat kaya naming gawin basta para kay Tatay. Siya 'yung unang nagbukas ng pinto sa amin. Sa showbiz, siya 'yung unang nagmahal sa 'min”
Pumatok din ang team-up ni Sanya Lopez with Rocco Nacino sa requel ng Kapuso primetime series na 'Encantadia', kung saan gumanap sila bilang Sang'gre Danaya at Aquil.
Naulit ang kanilang on-screen team-up sa afternoon soap na Haplos (2017).
Nakita ng GMA Network ang malaking potensyal ng morena actress bilang susunod na leading lady, kaya napasama siya sa primetime series na 'Cain at Abel,' kung saan bida ang the kings of GMA-7: Dingdong Dantes and Dennis Trillo!
Nagbalik kamakailan sa primetime si Sanya katambal si Gabby Concepcion sa 'First Lady,' ang sequel ng 2021 hit series na 'First Yaya.'
Kilalanin ang mga dati niyang naging leading man sa telebisyon at pelikula at ang mga nagu-guwapuhang aktor na na-link sa kanya.













