GMA Logo Ashley Sarmiento
photo by: @niceprintphoto IG
Celebrity Life

Ashley Sarmiento, ready na bang umibig?

By Kristine Kang
Published January 27, 2025 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Donnalyn Bartolome, magpapaalam na sa vlogging: 'That is my gift to myself'
DTI: Damaged roads in Davao Occ. taking heavy toll on MSMEs
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento


Ngayon 18 years old na si Ashley Sarmiento, bukas na kaya ang kanyang puso na magkaroon ng love life?

Ang cute na child star noon, opisyal na isang young lady na ngayon!

Isang engrandeng selebrasyon ang naganap kagabi (January 26) para sa 18th birthday ng MAKA star na si Ashley Sarmiento.

Masayang ipinagdiwang ng Kapuso aktres ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang pamilya at mga matalik na kaibigan. Dumalo rin ang ilang Sparkle at Kapuso stars tulad nina Bryce Eusebio, Herlene Budol, Empoy Marquez, Waynona Collings, Princess Aliyah, at marami pang iba.

Labis ang pasasalamat ni Ashley sa mainit na pagmamahal at pagbati na natanggap mula sa mga dumalo. " I'm just really happy that these people that I met before or that once in my life are here to see me. I'm happy that they enjoy and I'm happy that they give me sweet messages and everything. I'm just really, really thankful," pahayag niya.

Ngayon na 18 taon na si Ashley, marami siyang plano at pangarap para sa kanyang career at personal na buhay. "Inaabangan ko is makapag-drive na, magkaroon ng car, and more projects of course, more opportunities to come, and happiness," ani Ashley.

Isa rin sa madalas itanong ng lahat: "Handa na kaya si Ashley na magkaroon ng love life ngayong 18 years old?"

Sagot nito, "Stay still lang, I mean I'm still not sure but I'm still not that ready because I'm prioritizing my career and studies at the same time since it's very hard to manage with them. Pero ayun 'di ko pa masasabi pa actually. It will come, eventually."

Sa kanyang kaarawan, masayang nakatanggap si Ashley ng birthday wishes at gifts mula sa kanyang minamahal na pamilya at kaibigan. Sumayaw rin siya kasama ang ilang Kapuso actors para sa kanyang 18 roses. Syempre, ang pinakahuling partner niya ay walang iba kung hindi ang kanyang childhood friend at ka-love team na si Marco Masa.

Bitbit ang isang bouquet of roses, masayang sinayaw ng MAKA star ang debutante na maraming kinilig para sa kanilang dalawa.

Samantala, kilalanin pa ang former child star na ngayon blooming Kapuso actress na si Ashley Sarmiento: