
Nagdiwang kamakailan ng Chinese New Year ang sikat at board certified plastic surgeon na si Doc Yappy o Dr. Eric Yapjuangco.
Kasama ang kanyang wife of 25 years na si Vina at tatlo nilang mga anak, nag-dinner sila sa Hua Yuan Brasserie Chinoise sa Hilton Manila.
Mga pagkain mula sa Shanghai ang mga matitikman sa restaurant at pinagsaluhan nina Doc Yappy ang roast duck, xiao long bao, at ilang pang putahe para sa kanilng Chinese New Year dinner.
Ibinahagi niya sa isang maikling video sa TikTok ang salo-salo nilang pamilya.
Kinaaliwan naman ito ng kanyang mga followers dahil inilapat ni Doc Yappy rito ang viral audio meme ng kaibigan at regular client niyang si content creator Toni Fowler.
@docyappy Happy Chinese New Year! Everything we ate for our CNY Dinner. Everything was soooo goood!!!❤️❤️❤️ #theyappys #cnydinner #chinesenewyear ♬ original sound - Cristelle Ursua
Ang audio clip ay mula sa isang lumang episode ng ToRo Family online series ni Toni kung saan pinapangaralan niya si Mikay o Micaela Marcelo tungkol sa hindi magandang inasal nito habang kumakain sila sa labas kasama ni Doc Yappy at asawa nito.
Naungkat ng netizens ang clip at kasalukuyang ginagamit sa social media bilang reaction video o kaya ay audio na nilalapat sa iba't ibang videos.
"Noong dinner, anong nangyari? May inaabot ka kay Papi. P***** ina, nalaglag 'yung biskuwit, tama? Tayo ay nasa fine dining restaurant 'di ba? So 'yung pagka-squatter natin, iwan natin sa bahay. Pagka nalaglag, nandoon sina Ms. Vina, sina Doc Yappy, imbis na 'Ay sorry sorry,' anong naging reaksiyon? 'P***** ina nito! Nagbibigay lang, ganyan pa eh.' '** ng ina mo naman. Nasa restaurant ka naman na sosyal. Kailan mo 'ko narinig na 'p*** ng ina naman eh,' naggagaganoon ako sa harap ni Ms. Vina? Never," maririnig na sabi ni Mommy Oni sa clip.
"Ang tawag doon, pakikisama. Hindi ka naman magiging peke eh. Pero, p***** ina, um-adjust ka naman sa sitwasyon. '*** ina naman, nagbibigay bigay lang ako eh.' Napaganoon ako sa 'yo, 'Ay p***** ina ni Mikay oh. Ay g***.' Napaganoon ako. Nakatingin lang ako sa iyo ng ganyan. 'Tapos noong sinabi mo na 'Sorry, sorry po, sorry po,' noong gimuilid kayo, saka ako kumalma," pagpapatuloy niya.
Samantala, isa si Doc Yappy sa mga content creators sa ilalim ng Status by Sparkle, ang digital arm ng Sparkle GMA Artist Center.
May bago siyang serye ng videos kasama ang makeup guru at kapwa Status by Sparkle star na si Chikana o Pau Pelaez kung saan ido-document nila nag progreso ng skin treatments para sa active acne, acne scars, at discoloration nito sa mukha.