
Isang mas stylish na bersyon ng kanyang sarili ang ipinakita ni Lilet Matias: Attorney-at-Law cast member Kylie Padilla sa kanyang cover shoot para sa isang local na lifestyle magazine.
Ibinida ng Village Pipol sa kanilang opisyal na Instagram account ang January-February cover nila na tampok si Kylie. Sa caption, Kylie is described as owning “the serpent's energy” at “striking with a sting of authenticity.”
RELATED CONTENT: Kylie Padilla is fierce in her 'Year of the Snake' photoshoot
Sa article na kasama ng post, ibinahagi ni Kylie Padilla na ang mga pagsubok na kanyang hinarap sa kanyang buhay ay tumulong sa kanyang mag-mature. Ibinahagi din niya na patuloy siyang nagtatrabaho upang maatim ang most real and honest version ng kanyang sarili, sa pamamagitan ng paghilom mula sa kanyang trauma at pag-shed ng kanyang ego.
Ang mga saloobin ni Kylie sa magazine ay kasunod ng kanyang Instagram post noong October ng nakaraang taon, kung saan sinabi niyang nais niyang iwaksi ang toxic masculinity pagdating sa pagpapalaki sa kanyang dalawang anak na lalaki.
Ibinahagi ni Kylie ang saloobin na ito pagkatapos basahin ang How To Raise A Boy: The Power of Connection to Build Good Men ng manunulat na sai Michael C. Reichert. Published in 2020, ang libro ay isang gabay sa mga magulang kung paano magpalaki ng mga anak na lalaki na “confident, accomplished and kind men.”
Inamin ni Kylia na siya mismo ay merong “deeply rooted toxic beliefs on masculinity” at kailangan din niya itong iwaksi kung nais niyang maging mas mabuting ina para sa kanyang dalawang anak na si Alas at Axl. Inamin din niya na hindi niya epektibong magagabayan ang kanyang mga anak sa tamang daan kung may natitira siyang resentment sa mga lalaki.
Ayon sa kanya, binigyan siya ng libro ng pagkakataon na tingnan ang kanyang parenting style at intindihin ang mga ginawa ng iba't ibang lalaki sa kanyang buhay.
RELATED CONTENT: Kylie Padilla spends QT with sons Alas and Axl
Isa lamang ito sa mga okasyon kung saan nagsalita tungkol sa kanyang mga anak si Kylie. Noong July, ininterview sa Fast Talk with Boy Abunda si Kylie at kanyang ibinahagi na meron siyang co-parenting arrangement kasama ang kanyang dating partner na si Aljur Abrenica.
“Aljur and I co-parent. Every time na kukunin niya 'yung mga bata, we talk. If may bagong ugali 'yung mga anak namin na sa tingin ko kailangan niyang pagsabihan or to guide them. Same with him. Batuhan lang kami and we try to make it as consistent as possible,” paliwanag niya.
Noong kanyang 29th birthday, nag-post si Kylie ng selfie at isinaad niya sa caption na ginagawa niya ang lahat upang may matutunan sila sa kanya.