
"Napatawad ko na. Hindi naman ako makakatayo ngayon kung hindi ko napatawad 'yung sarili ko."
Ito ang naging pahayag ng aktres na si Katrina Halili nang makapanayam siya ni Nelson Canlas sa GMA Integrated News Interviews kasama ang co-star niya sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest na si Camille Prats.
Malaking kontrobersya ang kinaharap ni Katrina noong 2009, at isa pa noong naghiwalay sila ng ama ng kanyang anak na si Kris Lawrence.
"Actually, may kasalanan ako sa sarili ko, wala akong dapat i-sorry sa ibang tao. Parang sa sarili ko ako nagkaroon ng kasalanan, 'di ba? Kung mayroon akong hihingan ng tawad, kay Lord," saad ni Katrina.
Bukod sa pareho silang strong women at mapagmahal na ina, pareho ring napagdaanan nina Camille at Katrina ang mawalan ng mahal sa buhay. Namatay noong 2011 ang unang asawa ni Camille na si Anthony Linsangan, samantalang noong 2024 pumanaw ang boyfriend ni Katrina.
Saad ni Camille, "When I lost my first husband, I was working with her during Munting Heredera. So, somehow, she witnessed that season of my life."
"And then, ngayon naman, ang tagal naming hindi nagka-work, ngayong Mommy Dearest, 'yun naman 'yung pinagdaanan niya while we were taping. So, somehow, 'yung relationship namin ni Kath, lalo na bilang magkatrabaho, para siyang 360 degrees,” ani Camille.
"Nakita niya ako at my lowest, na-witness niya 'yun. At the same time, nandito rin ako sa buhay niya ngayon while she was going through that."
Dagdag ni Katrina, "'Yun din 'yung pinag-usapan namin na, 'Mars, tinatanggap natin, 'no? Pero may iba na hindi 'yan, hindi tatanggapin, ayaw na, ayaw muna. Pero tayo tinatanggap nating dalawa."
"Sabi ko, Oo kasi parang pwede ko namang iiyak mamaya. Oo, pagtapos mag-tape, ganun ako. Kunwari magte-take, pipigilan ko hanggang mag-pack up, tsaka ako iiyak."
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras dito:
Mapapanood ang world premiere ng Mommy Dearest sa Lunes, February 24, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prinsesa Ng City Jail.
RELATED GALLERY: Katrina Halili returns to Sparkle