
Kilala ang content creator na si Mommy Grace Tanfelix, ang ina ng Mga Batang Riles star na si Miguel Tanfelix, sa katagang 'Okay na 'to.' Sinasabi niya ito sa kanyang cooking vlog, tuwing pwede nang kainin ang kanyang mga niluluto.
Sa pagbisita ng Unang Hirit sa kanyang kitchen, ipinagluto ni Mommy Grace sina Susan Enriquez at Chef JR Royol ng Bicol Express.
Habang kumakain, napasabak pa sa aktingan challenge si Mommy Grace dahil pinasabi sa kanya nina Susan at Chef JR ang 'Okay na 'to' nang may iba't ibang emosyon.
Magawa kaya ito ni Mommy Grace?
Mas kilalanin pa si Mommy Grace sa mga gallery na ito: