GMA Logo Darren Espanto relationship
Celebrity Life

Darren Espanto, umiyak na ba dahil sa pag-ibig?

By Aedrianne Acar
Published March 16, 2025 12:42 PM PHT
Updated March 16, 2025 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH companies lost P4 trillion to fraud in 2025, TransUnion says
Group condemns alleged poisoning of dogs in Samal
These are the biggest food stories of the year

Article Inside Page


Showbiz News

Darren Espanto relationship


Darren Espanto, na-'Fast Talk' ni Unkabogable Star Vice Ganda sa 'It's Showtime.'

Umiyak na ba ang It's Showtime heartthrob na si Darren Espanto because of love?

Tila na-hot seat si Darren sa “Tawag ng Tanghalan: All Star Grand Resbakan 2025" edition nitong Sabado (March 15) nang matanong siya ni Vice Ganda tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Pag-uusisa ng Unkabogable Star kay Darren: “Ikaw, umiyak ka na ba [sa pag-ibig]?

“Parang meron namang times,” sagot ng binata.

Tanong uli ni Meme, “Malala? Hagulgol o 'yung napaluha lang?”

Sagot ni Darren, “Napaluha lang.”

Hirit naman ni Vice, “Sabi nila kung hindi ka pa raw napapa-iyak nang malala, baka hindi ka pa rin umiibig nang husto.”

Dating nakarelasyon ni Darren ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara. Na-link din ang Kapamilya singer sa anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy Legaspi.

RELATED CONTENT: Career journey of Asia's Pop Heartthrob Darren Espanto