Celebrity Life

Alden Richards, kabilang sa pag-organize ng run for a cause event

By Kristine Kang
Published March 18, 2025 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Mula sa pagiging simpleng hobby, bahagi na ng advocacy ni Alden Richards ang running.

Tila labis ang inspirasyon ng Asia's Multimedia Star Alden Richards sa pagtulong sa pag-aayos ng isang malaking event ngayong May.

Dahil sa kanyang hilig sa pagtakbo, nais niyang ibahagi ito sa mas maraming tao sa pamamagitan ng isang run for a cause project na inorganisa ng Movie Workers Welfare Foundation Inc. (MOWELFUND) at MYRIAD Corporation.

Bilang board member din ng pelikulang organisasyon, aktibong nakikilahok ang Kapuso star sa paghahanda ng event.

"We're calling it 'Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino.' So all the proceeds of the fun run will go directly to MOWELFUND," pahayag ni Alden.

Kasama rin niya sa proyekto ang iba pang kilalang personalidad, kabilang ang beteranang aktres na si Boots Anson-Roa.

"It's a health-oriented activity. Bukod po doon sa pagiging health oriented nito, ito po ay inaasahan namin na magfo-foster ng camaraderie, good will, at pagsasama between 'yung members po ng industriya at 'yung non-members po na merong puso para sa pelikulang Pilipino," ani Boots.

Maraming celebrities ang imbitado sa fun run, kabilang na ang running buddies ni Alden na sina Barbie Forteza at Kristoffer Martin.

Excited din ang Sparkle sports host na si Martin Javier na suportahan ang pelikulang Pilipino habang nag-e-enjoy sa pagtakbo.

"Napakagandang initiative nito lalong lalo na po ngayon na napakaraming into health and wellness. At tsaka 'yung running medyo go to na exercise," masayang sinabi ni Martin.

Bukas sa lahat ang fun run event na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa May 11.

Bukod dito, may exciting twist din ang event para sa movie fans.

"Sa lahat po ng tatakbo, meron po silang option to go in their favorite movie costume -- may it be local or international," pagbubunyag ni Alden.

Samantala, tingnan ang iba pang celebrities na kinahihiligan na rin ang running sa gallery na ito: