
Kapag walang taping, abala ang aktor na si Miguel Tanfelix sa negosyong surpresa niyang ibinigay sa kanyang inang si Mommy Grace Tanfelix.
Simula nang sumikat kasi ang videos ni Mommy Grace sa social media ay marami ang gustong makatikim ng gawa niyang leche flan na paborito ni Miguel.
Dahil kabubukas pa lang ng negosyo ni Mommy Grace na tinawag nilang Mommy Grace Kitchen sa mga piling lugar pa lang sa Cavite at Laguna sila tumatanggap ng order.
"Sobrang busy ko nung weekend, pati kanina bago pumunta ng taping, as in inaasikaso ko 'yung business, nagluluto ako ng leche flan, inaasikaso ko 'yung orders," saad ni Miguel sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
"Dapat masarap 'pag natikman nila 'yung luto ng nanay ko."
Panoorin ang buong report ni Aubrey sa 24 Oras DITO:
Para matikman ang leche flan ni Mommy Grace, mag-message lamang sa Facebook o Instagram account ng Mommy Grace Kitchen tuwing Sabado at Linggo.
Kasalukuyang bumibida si Miguel bilang si Kidlat sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.