Celebrity Life

David Licauco, nagbigay ng opinyon tungkol sa pagsasapubliko ng breakup

By Marah Ruiz
Published April 19, 2025 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Alamin ang opinyon ni David Licauco tungkol sa pagbabahagi sa publiko ng breakup ng magkarelasyon.

Inilalarawan ni Kapuso actor at Pambansang Ginoo David Licauco ang sarili bilang isang pribadong tao.

Dahil dito, hindi raw siya mahilig magbahagi ng personal na mga detalye ng kanyang buhay sa publiko.

Aminado ang aktor na umiiwas sa ilang tanong sa mga interviews kung palagay niya ay masaydo nang personal ang mga ito.

"Siyempre hindi naman dapat lahat malaman ng mga tao, especially if it's private, especially if it's about your personal life. I'm a very private person so I try to evade those questions and just say something na general," paliwanag ni David sa isang online exclusive video para sa kanyang movie na Samahan ng mga Makasalanan.

Nagbigay rin siya ng personal niyang opinyon tungkol sa pagsasapubliko ng breakup ng mga magkakarelasyon.

"Kapag nakipag-break ka, hindi mo naman agad talaga sasabihin sa mga tao. Hindi naman 'yun dahil nasa showbiz ka. I think it's better to give room for, you know, baka may magbago. Baka ma-realize mo, ma-realize noong partner mo na mahal niyo pa pala 'yung isa't isa," lahad niya.

Panoorin ang pag-amin ni David sa iba pa niyang mga "kasalanan" sa online exclusive video na ito:

Ngayong araw, Black Saturday ang cinema premiere ng pelikula ni David na Samahan ng mga Makasalanan.

Gagaganap siya rito bilang Deacon Sam, isang baguhang pari na madedestino sa Sto. Cristo, bayan na puno ng mga sugarol, magnanakaw, chismosa, at iba pa.

Makakasama ni David sa pelikula sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, at marami pang iba.

NARITO ANG PASILIP SA MGA DAPAT ABANGAN SA SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN:

Panoorin ang Samahan ng mga Makasalanan simula ngayong Black Saturday, April 19, sa mga sinehan nationwide.